SecretlyYoursTori
Para kay Deniella, mukhang malabo na siyang makawala sa pagiging certified member ng Samahan ng mga NBSB - No Boyfriend Since Birth. For almost 25 years kasi (and counting!), tila sobrang busy ata si Kupido sa pag-gawa ng love story ng iba dahil kahit minsan ay hindi pa nito napansin na simulan naman ang kuwento ng dalaga.
Enter Brent Tristan Bricamunda, ang ultimate crush at 'man of her dreams' niya at ang lalaki na halos ibugaw na sa kanya ng lahat noong college sila. Sa muling pagbabalik ng binata sa buhay ng dalaga, isang adventure sa pagpapangggap ang papasukin nilang dalawa, all in the name of love.
With the man of her dreams within reach, abot kamay na ni Deniella ang chance na maisurrender ang kanyang membership card ng pagiging NBSB.
Pero paano kung ang kanyang MISTER Right ay tila gustong maging MISS Right pa ata?
(ctto for the pictures used in the cover)