Luminouspenwp
- Reads 2,372
- Votes 23
- Parts 25
Nabuhay kang mahirap na tanging eskwarter lamang ang tahanan. Puno ng gulo, araw-araw may pinapatay sa saksak, putok ng baril, at ang iba kusang bumibitiw sa pangarap na minsan nilang ipinaglaban.
Araw-araw ay pagsubok na hindi mo na alam kung paanong sa maghapon ay iyong nalampasan. Araw-araw may SOCO na naglalakad sa ibaba ng tulay, inaalam ang mga krimeng nagaganap tuwing gabi.
Minsan nakawan, inggit, o kaya naman ay galit. Nakakatakot, nakakakilabot na baka isang araw may sumaksak na lamang sa akin. Patayin ako at iwang duguan sa ilalim ng tulay. Malamig at wala ng buhay.
At nang isang araw, may umabot sa mga kamay mo. Mayaman, matipuno, gwapo.
Iniangat ka sa puro ng alikabok at maduming gilid ng kalsada. Hindi literal na iniangat lang. Kundi iniangat ka sa kahirapan. Dinala sa karangyaan.
Masasabi mo pa rin bang 'Ang lalandi ng mga babaeng pumapatol sa iba kahit may asawa?'
Mahuhusgahan mo ba ang desisyon ng isang babae kung gusto na nitong lumaya?
Ako si Katana Immanuela Sorte. Dalawampu't apat na taong gulang. At ito ang aking kwento.