Peachxvision
7 stories
A Miracle (Published) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 926,446
  • WpVote
    Votes 21,145
  • WpPart
    Parts 20
Nais ni Nathan na makilala ang lugar ng kanilang bagong tirahan, ngunit di niya akalain na makikilala niya ito sa isang kakaibang paraan-ang literal na mahulog sa kanya si Mary mula sa pagkakatalon sa puno, isang babaeng madalas mapagkamalang multo sa kanilang lugar. Ngunit sa likod ng malaporselanang balat, malamanikang ayos, at kakaibang pananaw ni Mary, nakukutuban ni Nathan ang nakaraan at mga nararamdaman na pilit nitong itinatago. Sa kagustuhan niyang pag-aralan at makilala ang babaeng nagwasak ng kanyang ideolohiya sa pag-uugali ng mga tao, hindi niya napapansin ang unti-unting malahimalang pagbabago na ginagawa nito sa kanya. Published by Summit Books under the Pop Fiction imprint © 2014 (translated in English). Now available in bookstores nationwide.
Mahal ng Araw by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 23,645
  • WpVote
    Votes 1,356
  • WpPart
    Parts 3
Ang pagtingin ni Sun sa pag-ibig ay tulad din ng araw -- lulubog at lilitaw. Ngunit may ilang babae sa kanyang buhay ang nakapagpabago ng kanyang paniniwala. Na di lahat ng kanyang iibigin ay tugma sa pagkakataon. Na di lahat ng kanyang iibigin ay handang manatili. At ang pag-ibig na wasto at mamamalagi ay isang araw-araw na dalangin.
Midnight Monologues by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 20,219
  • WpVote
    Votes 1,613
  • WpPart
    Parts 29
She is known as the writer who creates stories about how the concept of love is formulated, explored, and ultimately destroyed by her protagonist, borne out of their relationship with another character. What is not known by many is how much she has experienced all of it, too, borne out of her conversations with herself.
This Is Not a Love Story by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 206,645
  • WpVote
    Votes 7,365
  • WpPart
    Parts 35
Matagal nang dalangin ni CJ ang isang magandang love story tulad ng mga nababasa niya sa libro at napapanood niya sa TV -- mga longtime lovers na kahit maraming hadlang ay sila pa rin ang magkakatuluyan, mga magkaibigan pero may pagtingin pala sa isa't isa, o iyong ideal guy na biglang susulpot sa buhay ng isang babae at pagsisilbihan ito na parang isang prinsesa. Pero hindi yata ito ang gusto ng tadhana para sa kanya. Mas masaklap, mukhang siya pa ang kontrabida sa kuwento ng iba. Ang pangarap niyang magkaroon ng isang perpektong love story, madalas, sa kabiguan din nagtatapos . . . Dahil minsan, hindi maiiwasan na sa katapusan nag-uumpisa ang simula.
Bukas Na by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 29,585
  • WpVote
    Votes 1,404
  • WpPart
    Parts 1
Nagkalayo ng loob ang dating magkaibigang sina Marian at Rica dahil sa isang lalaki. Susubukang naman nilang ibalik muli ang pagkakaibigan nang maaksidente si Rica na kumuha ng kanyang paningin, ngunit ang hindi alam ni Rica ay may dala-dala si Marian na magbubukas ng mga sugat ng nakaraan.
Tossed Coin by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 227,027
  • WpVote
    Votes 6,261
  • WpPart
    Parts 44
Hindi man tama ang pagkakataon, nakaramdam ng ginhawa si Chi habang kasama si Gab sa isa sa madidilim na pangyayari sa buhay niya. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit hindi maalis-alis si Gab sa kanyang isipan, at bagaman matagal na niya itong hindi nakikita, tingin niya ay walang makapapalit kay Gab kanyang puso. Liliit ang kanyang mundo nang malaman ni Chi na naging kaklase ng matalik niyang kaibigang si Anya ang lalaking matagal na niyang hinahanap . . . na siya rin palang kapatid sa labas ni Jet, isa sa pinagkakatiwalaang kaibigan niya. Dito mag-uumpisa ang kanilang buhol-buhol na ugnayan, pati ang pag-usbong ng mga desisyon kung saan kailangang mamili ni Chi . . . na alam niyang hindi madadaan sa pagpitik lamang ng isang barya.
548 Heartbeats (Published) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 3,954,800
  • WpVote
    Votes 65,081
  • WpPart
    Parts 56
Nalilimitahan nga ba ang bilang ng tibok ng puso para sa isang tao? Ang gusto lang naman ni Xei, isang estudyante mula sa Section I ng isang science high school, ay matataas na grades at tahimik na "crush" life. Tanggap naman niya na imposibleng magustuhan siya ng crush niyang sobrang nagpatibok ng puso niya sa una pa lang nilang pagkikita at heartthrob ng batch nila -- si Kyle. Pero magugulo ang tahimik niyang buhay nang dahil sa mga di inaasahang pangyayari: nang magustuhan siya ng kaibigan ni Kyle na si Chris, nang magustuhan ni Kyle ang kaibigan niyang si Rai . . . at nang mapalapit siya kay Kyle na mas nagpalala ng mga nararamdaman niya. Dito higit matututunan ni Xei na hindi lang basta-basta sinusunod ang tibok ng puso, lalo na kung may masasaktan -- kailangang pag-aralan din. Published by Summit Books under the Pop Fiction imprint © 2013 (translated in English). Now available in bookstores nationwide. Its anniversary version (with added content and special chapters!) is published by KPub PH © 2023.