mizry_papuonognea
Tagalog Spoken Word Poetry.
Nasanay ka sa mga kaibigan mo,
isang araw
Tila kinalimutan ka nila
Pero hindi
Naging abala na lamang sila sa kanilang pag-aaral
tapos trabaho
Ang mga nanligaw noon sayo
Hindi ka handang magkanobyo kaya inayawan mo sila
ngayon
may mga pamilya na sila
ang iba, may mga nobya na
....
Pero kahit na
Ayos lang yan.
Ang mga pangarap mong tila kay layo
Tila walang silbi ang mga paghihirap mo
Pero di ka dapat tumitigil sa pangangarap
Kaya mo yan. :)