Uretisiah
Sa tuwing damdamin ay nabibigatan; takbo ka lamang sa akin kaibigan.
Sa tingin mong ang bawat salita ay hindi na tumuTUGMA, isipin mong may mga bagay pa rin na gumagawa ng tama. Sa lalim ng mga salitang mataTALINGHAGA, tuwirang pinahahatid na ang gumugulo sayo ay maaaring maging payapa. Sa bawat SUKAT na sinusunod, matuto tayong tingnan ang kalalabasang buod. Sa ANYO ng mga nilikha, hindi marapat na pairalin ang lubos na panghihina. DAMDAMIN na pinapatungo sa atin, sapat ang bawat isang mahalin. Ang TEMA na pumapaloob, nakadawit ang tunay at hindi replikadong wangis ang sumasaklob. At ang bawat SIMBOLISMO, dala ang mensaheng ipinahihiwatig at inilalarawan ng puso mo.
Sa puntong ang pagsusulat at buhay ay nagkakatulad, nakagagawa ng mga akda ang bawat manunulat na talaga namang hindi mo maihahalintulad. Ang pagsinta sa mga panitakan, daan upang magtagpo ang nilolob na salita at emosyon ng tao na kailanma'y hindi maitatanggi kundi mailalathala.