MercuryC
- LECTURES 34
- Votes 15
- Chapitres 19
Si Gabriel Cyrus ang lahat-lahat sa buhay ni Trisha mula noong labing-anim na taong gulang siya. Mukhang nasa panig niya naman ang tadhana dahil sa saglit na pagkakakilala nila ay umusbong ang pag-ibig sa pagitan nila.
Ngunit kung kailang maligaya na siya sa piling nito ay saka naman siya kinausap ng matalik niyang kaibigang si Lexi. "Trish, mahal na mahal ko si Cyrus noon pa. Pwede bang ipahiram mo siya sa akin? Saglit na lang ako sa mundo kaya nakikiusap ako sa iyo. Gusto ko sanang maranasang mahalin kahit kaunti ng lalaking iniibig ko."
Hindi niya natanggihan ito sukdulang mamuhi sa kanya ang kasintahan. Lumayo siya at naghintay sa dating kasintahan. Pero hindi niya napaghandaan nang mabaling ang pagtingin dito ni Cyrus at pakasalan si Lexi na nagbunga ng anak. Kasabay ng pagkawala ni Lexi ay nawala ang puso ni Cyrus. Hindi na raw siya nito mahal at hindi na rin ito magmamahal kahit kailan. Paano na siya?