JeanCanillo693's Reading List
90 stories
We Bloomed in Borrowed Time  by KYOCHIEE
KYOCHIEE
  • WpView
    Reads 136,480
  • WpVote
    Votes 1,820
  • WpPart
    Parts 49
PASEO DE ESTRELLA SERIES #1: Growing up, I saw what real love looked like. Daddy loved Mommy in the quietest, most thoughtful ways. Never once did he raise his voice at her. He always listened when she talked. He remembered the little things, like her favorite mug and how she liked her coffee. Kailanman, hindi ko sila nakitang nag-away. Every conversation sounded like a gentle exchange of sweet nothings. Ganoon din nila kami pinalaki, punô ng lambing, pag-unawa, at respeto. They treated each other with so much care. Kaya naman, ang paraan ng pagmamahalan nila sa isa't isa ang naging batayan ko pagdating sa usaping pag-ibig. Back in high school, whenever we were asked to describe our ideal person in a scrapbook, I always wrote the same things. Someone who's soft-spoken. Someone who listens. Someone loyal. Someone responsible. Someone who would do everything to make sure I'm happy, even in the smallest ways. Kaya ganoon na lang ang pagkabihag ni Aaron Felix Ezpartinez sa nananahimik kong batang puso, unang kita ko pa lang sa kaniya. He was the kind of man who chose grace over anger, even when he was hurting. Bagay na tingin ko kung bakit mas lalong lumalim ang pagkakagusto ko sa kanya. Ang problema nga lang, wala naman siyang gusto sa akin. Kinikilala lang niya ako bilang kapatid ng kuya ko. Pero kahit gano'n, hindi iyon naging hadlang para itigil ko ang nararamdaman ko para sa kaniya. Pinili kong gustuhin siya kahit sa malayo, kahit alam kong hindi niya ako kailanman mapapansin sa paraang gusto ko. What I didn't know was that some feelings only bloom in moments too fragile to last. And sometimes, the kind of love we give everything to... only grows in borrowed time. "I never said it out loud. But everything I became... I became because of him." [THIS IS WRITTEN IN TAG-LISH] DATE STARTED: 06/29/25
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,325,244
  • WpVote
    Votes 88,725
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
A Kidnapper's Mistake by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,207,372
  • WpVote
    Votes 137,206
  • WpPart
    Parts 28
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakamali kung tatakpan ito ng panibago pang pagkakamali? Namulat si Nightmare sa mundo ng digmaan at paghihiganti para sa katarunangan ng kaniyang mga magulang na walang-awang pinatay noong siya ay bata pa. Kasama niyang lumaki si Leon na siyang apo ng kanilang Commander at itinuturing niyang kapatid. Ngunit paano kung dahil sa isang misyon ay magbago ang takbo ng plano at maging ang kanilang mga kapalaran? Si Audrey ay isang reporter na puno ng prinsipyo sa buhay. Isang dalaga na may angking sikretong tinatago sa kaniyang pagkatao na hindi niya maaaring sabihin kahit kanino. Nang dahil sa isang pagkakamali ni Nightmare ay nagbago ang takbo ng buhay ni Audrey. Paano pa maitutuwid ang pagkakamali ng isang kidnapper na nahulog na sa bitag ng pag-ibig? Book Cover by: @WattpadBetaTeam Date Written: November 26, 2014 Date Finished: December 07, 2018
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,180,279
  • WpVote
    Votes 182,476
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,649,898
  • WpVote
    Votes 586,859
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,341,228
  • WpVote
    Votes 196,799
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,653,985
  • WpVote
    Votes 695
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Hold Me Close (Azucarera Series #3) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 27,297,374
  • WpVote
    Votes 1,261,901
  • WpPart
    Parts 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pangalan at nasanay na siya roon. Now that her father's dead, everyone bullied her more. The people of Altagracia hated her father's deeds and she can't do anything about it. Tanging ang pusa niya na lang ang kakampi dahil mismong ang kamag-anak ay masama rin ang trato sa kanya. Her heart got broken and she swore to herself that she would never be that helpless bullied girl again. In time, she earned her place and is now popular, the way she wanted it. Pero nang bumalik ang lalaking bumasag sa bata niyang puso, bumabalik ang mga pangarap niya noon. Her daydreams came back, too and she didn't know what to do. Her daydreams that consist of many things. Including holding him close. This is the third and last book of Azucarera Series. The series consist of three books. The two other books are: Against the Heart (Azucarera #1) Getting to You (Azucarera #2)