Zianger04's Reading List
23 stories
Si Baste at ang Tubig sa Bukal  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 367,070
  • WpVote
    Votes 3,902
  • WpPart
    Parts 10
"Bakit lagi nila ako niaaway? Hindi ko naman sila niaano, a." Humihikbing sumbong ni Baste sa alagang aso. Tila nakakaunawa, ikiniskis naman ng aso ang ulo sa braso nito. Binata na si Baste kung pagbabasihan ang panlabas na kaanyuan, subalit ang isip nito ay kahalintulad ng isang musmos, inosente't walang muwang. Madalas ay tampulan ng tukso at ginagawang katatawanan ng ibang tao. Ang lahat ng pagdaramdam ay idinadaan na lamang nito sa tahimik at impit na pag-iyak. Datapuwa't may kakulangan, si Baste ay may kakayahang makakita ng 'di pangkaraniwang nakikita ng ordinaryong mga mata. Subalit, paano siya paniniwalaan ng mga taong ang tingin sa kanya ay sintu-sinto at kulang-kulang? Ano ang magiging kaugnayan niya sa bukal? Anong hiwaga ang matutuklasan niya sa tubig? Ano ang magiging kapalit ng kanyang pagtitiis at pagpapakumbaba? Sama-sama nating tunghayan ang kanyang kasaysayan........ Copyright © ajeomma All Rights Reserved
SBAATSB 3- Ang SUGO by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 157,890
  • WpVote
    Votes 1,539
  • WpPart
    Parts 5
Nagbalik ang alaala ni Sebastian. Alam na niyang siya si Baste, ang tinutukoy sa Alamat na nakatagpo ng mahiwagang tubig sa bukal. At si Anghel, ang naging bunga ng pag-iibigan nila ng matalik na kaibigang si Rosalia. Ang anak ng Alamat na naging katuwang ng ama sa pagliligtas ng Baryo Masapa sa tiyak na kapahamakan. Muli siyang magbabalik taglay ang misyong palaganapin ang kapayapaan sa lahat ng dako. Sa patnubay ng mga makapangyarihang nilalang na naninirahan sa loob ng kakahuyan. Sa tulong ng mga hayop na nagagawa niyang kausapin sa pamamagitan ng isip lamang. Samahan natin siya sa pagganap ng dakilang tungkuling iniatang sa kanya. Si Anghel, ang anak ni Sebastian. Siya... Ang Sugo Paunawa: Ang kwentong ito ay karugtong ng Si Baste at ang Tubig sa Bukal at Anghel ng Baryo Masapa. Upang maiwasan ang pagkalito, mangyaring tunghayan muna ang mga naunang kwentong nabanggit. Salamat po.. --**--ajeomma--**-- Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Obra Maestra by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 11,934
  • WpVote
    Votes 538
  • WpPart
    Parts 6
Dugo ang humahalo sa natatanging putik. Umaagos ang luhang pumait sa pagkamuhi, Tagaktak ang pawis habang hinuhulma ang hugis. Sa bawat paghagod ng mga palad at daliri, huni ng kakaibang ibon ang kasabay sa paghikbi. Labing tatlong hatinggabi sa nangingitim na langit. Nakadilat na buwan ang naging piping saksi. Nakakikilabot na hampas ng marahas na hangin, sa nilikhang nabuhay at maghihiganti! Obra Maestra Filipino/Makatagalog :) Mystery-Thriller/Dark Fantasy/Horror Written by: ajeomma
Lady PSYCHIC (lumuluhang kaluluwa) by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 468,309
  • WpVote
    Votes 2,081
  • WpPart
    Parts 5
A Psychic is a person who professes an ability to perceive information hidden from the normal senses through extrasensory perception (ESP), or is said by other to have such abilities.-- Wikipedia Anak ng isang pekeng psychic si Virginia. Lingid sa kaalaman ng mga dumarayo sa kanila na ang ginagawa ng kanyang ina ay isang mahusay na palabas lamang. Ang nanay niya ay fake. Ngunit siya ay hindi! Hindi niya lamang binibigyang pansin ang angking kakayanan at lalong hindi ito alam ng kanyang ina. Paano kung ang ipinagwawalang bahala niyang galing at kakayanan ay matuklasan ng isang tunay na Psychic? Paano kung matutunan na niya itong gamitin? Papayag ba siyang maging sunud-sunuran sa inang gahaman sa salapi at kapangyarihan? O, maging kasangkapan ng kabutihan at katarungan? Magagawa ba niyang patahanin ang mga, lumuluhang kaluluwa? Inilunsad- Hunyo 8, 2015 Nasimulan- Hulyo 21, 2015 Natapos- Pebrero 11, 2016 Paranormal, Horror, Mystery/thriller Cover by: Wacky Mervin Copyright © ajeomma
MKNA1-  Ang Writer by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 90,728
  • WpVote
    Votes 460
  • WpPart
    Parts 3
Alamin ang kwento ng magkaibigang lumaki sa kalsada.Nagtulungan at naging sandalan ang isa't isa. Magkasama sa hirap man o ginhawa, at sabay nangarap maging sikat na manunulat. Isang hiwaga ang kanilang natuklasan nang may makapagsabing sa sikretong lugar na iyon; sa pagitan ng malalaking ugat ng mahiwagang puno... ang kababalaghan ay nagaganap. Magkasama nilang tinungo ang gubat at sa puno ay nag-alay. Sapagkat ayon sa nakausap, kapag tinanggap iyon ng mahiwagang nilalang... ang hihilingin nila ay matutupad. Matupad nga kaya ang kanilang hiling? Ano ang magiging kapalit? Saan hahantong ang lahat? Mystery-thriller/Horror
MKNA2 - Imahinasyon by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 188,333
  • WpVote
    Votes 226
  • WpPart
    Parts 1
Ang kwento natin ngayon ay tungkol sa isang dalagang ginagawang bida ang sarili habang nangangarap nang gising. Sa mundo ng pantasya, nangyayari ang lahat ng kanyang nais. Natutupad ang kanyang mga pangarap maging napaka imposible man. Hanggang dumating ang isang pangyayaring nagpalito sa kanyang isipan. Naglalakbay siya sa kanyang pangarap. At sa tuwing magigising, ramdam niya ang pagod at matinding kaba. Ang nakapagtataka... pare-pareho ang panaginip niya; isang mahabang daan na tila walang katapusan ang kanyang tinatahak. Natatakot siya, subalit may bumubulong sa kanya at nagsasabing magpatuloy. Binubuyo siyang alamin ang hangganan, upang malaman kung ano ang doo'y matatagpuan. Totoo ba ang nakita niya o bunga lamang ng imahinasyong maaaring mauwi sa bangungot? Halina at sama-sama nating tuklasin ang lihim ng kanyang pagkatao... Fantasy/Romance/Comedy
Bakanteng Nitso by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 411,865
  • WpVote
    Votes 1,694
  • WpPart
    Parts 4
Si Domeng ay isang sepulturero. Siya na rin ang ginawang tagapagbantay sa sementeryong malapit sa kinatitirikan ng maliit niyang bahay. Dahil sa mga patay kaya nagagawa niyang buhayin ang kanyang pamilya. Maliit man ang kanyang kinikita ay hindi naman sila sumasala sa oras. Kahit paano ay nagagawa pa niyang makapagtabi para sa pangangailangan ng nag-iisang anak. Subalit, ang gusto ng kanyang asawa ay maginhawang buhay. Mahal niya ito kaya naman kung ano ang nais ay gusto niyang maibigay. Ngunit... paano? Ano ang kanyang gagawin upang mapagbigyan ito sa hinihiling? Matulungan kaya siya ni Alister- ang lalaking may dilaw na mata? Ano ang hiwaga sa loob ng Bakanteng Nitso? Matakasan kaya niya ang malagim na magaganap? Horror/Mystery-thriller Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Bakanteng Nitso 3 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 227,664
  • WpVote
    Votes 1,602
  • WpPart
    Parts 5
ADANG KUBA- Bakanteng Nitso book 3 Nakahanda na naman ang lalaking may dilaw na mata upang muling kumalap ng mga kaluluwang ihahagis sa dagat- dagatang apoy. "Bwahahaha! Magaling Alister! Sunduin mo silang lahat at ihandog sa aking paanan!" humahalakhak na utos ng hari ng kadiliman. "Masusunod, aking panginoon." Samahan mo akong muli at ating alamin ang isa na namang kwentong may kaugnayan sa... Bakanteng Nitso. Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Bakanteng Nitso 2 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 277,842
  • WpVote
    Votes 1,538
  • WpPart
    Parts 4
KASUNDUAN (Josefina-Ismael)- Bakanteng Nitso book 2 "Bwahahaha!" umiekong halakhak ng hari ng kadiliman. "Magaling, aking kampon! Ipagpatuloy mo ang paghahanap ng mga kaluluwang makakasama natin dito sa impyerno! Ibigay mo ang anumang nanaisin nila. Kayamanan, kapangyarihan, kasikatan, kagandahan, kabataan at lahat ng gusto pa nilang makamtan at matamasa bago ko kunin ang kanilang kaluluwa!" At muling humalakhak ang lalaking nakaupo sa kanyang trono. Ano ang magiging kaugnayan ng kampon nitong may dilaw na mata sa mayamang si Ismael? Magtagumpay kaya ang diablo na maisama sa Impyerno ang kanyang kaluluwa? Muli nyo akong samahang tuklasin ang kanyang kahahantungan.. Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Bakanteng Nitso 4 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 155,459
  • WpVote
    Votes 1,658
  • WpPart
    Parts 5
Alister RETURNS- Bakanteng Nitso book 4 Nabigo si Alister na madala sa impyerno ang kaluluwa nina Ada at Apa dahil tinalo ito ng wagas na pag-ibig ng binata para sa kaibigang matagal na pa lang minamahal. Ngunit hindi matanggap ng lalaking may dilaw na mata ang kabiguan. Nangako itong magbabalik upang iharap ang kanilang kaluluwa sa kanyang panginoong Lucifer... sa anumang paraan! "Walang makatatakas kay Alister!" Umuugong nitong sigaw na sinundan ng mapanlinlang at tusong halakhak. Bakanteng Nitso 4 Copyright © ajeomma All Rights Reserved