Ang pagtingin ni Sun sa pag-ibig ay tulad din ng araw -- lulubog at lilitaw. Ngunit may ilang babae sa kanyang buhay ang nakapagpabago ng kanyang paniniwala.
Na di lahat ng kanyang iibigin ay tugma sa pagkakataon.
Na di lahat ng kanyang iibigin ay handang manatili.
At ang pag-ibig na wasto at mamamalagi ay isang araw-araw na dalangin.
Sa gitna ng pag-iisa, isang sulat ang nakita ni Carlos na nakapangalan sa kanya. Ano kayang laman ng sulat at makukuha niya kayang tanggapin ang laman nito?