HermosaPiezaBLN ☁️
6 stories
To (Not) Fall In Love by ordinarrio
ordinarrio
  • WpView
    Reads 641
  • WpVote
    Votes 75
  • WpPart
    Parts 23
Si Kendrick ay ipinanganak na may supernatural ability. Ngunit kaiba sa mga taong may six sense na nakakakita ng mga multo, siya ay nakakakita ng mga imaginary threads. Ang mga imaginary threads na ito ay ang magtatakda kung sino ang magiging soulmate ng isang tao. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa ideya ng pag-ibig ay ginamit niya ang kanyang abilidad at kalauna'y nakilala bilang isang break-up planner kung saan pinuputol niya ang mga sinulid sa utos ng kanyang kleyente kapalit ng pera. Hindi natuwa ang diwata ng pag-ibig na si Masalanta at gumawa ng sariling hakbang na magpapagulo sa planadong buhay ni Kendrick. Sa utos ng diwata, isang pulang sinulid ang tatali sa kanya at kay Shawn - ang lalaking pinakakinamumuhian niya at ang taong nasa likod ng maskara ng misteryosong presidente ng Match maker Club. Magagawa kaya ng isang break-up planner na putulin ang sarili nitong tadhana o tuluyan na siyang mahuhulog sa bitag ng isang match maker? Sa isang napakagulong mundo, kakayanin ba ni Kendrick na harapin ang mga masasamang magaganap bilang kapalit nang kanyang mga ginawa?
Jack of All Trade by NaphEliot
NaphEliot
  • WpView
    Reads 102
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 27
Lawrence Bansagi has always grown an affinity for board games and card games that he opened his own cafe highlighting the beautiful games that he has collected over the years. His most prized possession is a dusty silver-colored card given to him by Sauren Lathatan, his schoolmate who conveniently appears everytime danger approaches. One day, Lawrence was closing up shop for the day but notices Sauren injured right outside his cafe. Lawrence tended to his wounds and asked Sauren what happened. He explained that the Philippines will fall into ruin. That the "Tarheta" is the way for destiny to change. Lawrence didn't understand what he said but brushed it off as a twisted joke. As Sauren leaves, he lets out a whisper that echoes throughout the building: Music, art, culture, myths, bonds all fade within due time, just like the gods and goddesses of this world. I call upon you, save the future. Save me, destroy me, kill me and set this world free. That same night, Lawrence finally understood what Sauren said.
Sa Pagtila ng Ulan by msblancbravery
msblancbravery
  • WpView
    Reads 628
  • WpVote
    Votes 31
  • WpPart
    Parts 4
Synopsis: Hindi inakala ni Window Ambrocio na isang Pandemya ang magpapabagal sa usad nang kanyang buhay. Fresh Graduate ito nang mag anunsyo nang Enhance Community Quarantine o ECQ sa buong Metro Manila. Kinailangan manatili nang lahat sa kani-kanilang mga tahanan para sa kanilang kaligtasan . Walang katiyakan sa magiging kinabukasan niya pero nagpatuloy parin siya sa normal na buhay. At ang inaakala niyang magiging normal ay mauuwi pala sa baliktad na pananaw niya sa mundo. Sa pag-angat nang kaso nang covid sa bansa at lalo pang pagkasadlak sa matinding hirap . Dumami din ang bilang nang mga namamatay kaya't nawalan nang choice ang mga tao kundi magsakripisyong lumabas upang may maipang laman sa kumakalam na sikmura. Sa panahong ito , hindi nalang basta digmaan nang tao laban sa matinding sakit ang iniinda. Maraming bagay ang nagtulak sa lahat para paniwalaan ang kung ano sa tingin nila ang magiging sagot sa mga nakakatakot na tanong sa mga utak nila . Oo , isa sa mga laban na kinakaharap nang tao ay ang sarili laban sa sarili . Sa laban ni Window sa kanyang sariling kahinaan ay hindi niya inaasahan na makakakilala siya nang taong makakaunawa sa kanya sa katauhan ni Zai Mercado, isang nurse na naghahanap nang panandaliang libangan habang namamahinga pagkatapos nang kanyang shift sa pag aalaga nang covid patients. Nagkakilala ang dalawa sa isang Application na sumikat dahil binibigyan nito nang kalayaan ang bawat users sa kanilang virtual world. Will a virtual conversation lead into a blooming love? Will their love survive the strong rain? May Pag-asa nga bang masilayan ang isang napakagandang bahaghari pagtapos ng Ulan? Subaybayan ang Kwento ng pag-ibig sa gitna nang Pandemya. SA PAGTILA NG ULAN ---- Sa Pagtila ng Ulan was an Official Novel Entry for HERMOSA PIEZA BL NOVEL COMPETITION 2021. Update: The whole story will be Under Revision and Cleaning. Written by: Ms. Blancbravery
HIMIG by PidjeVillacoke
PidjeVillacoke
  • WpView
    Reads 291
  • WpVote
    Votes 27
  • WpPart
    Parts 14
Miggy, an aspiring flute soloist, fights for his dreams against the tyranny of the very institution he serves. Follow his story of life, love, and music in his youthful journey and join him in discovering the hidden melody of the song in his heart with the help of his friends and his musical Hero.
AWAKE [boyxboy] by DROFUL
DROFUL
  • WpView
    Reads 32,093
  • WpVote
    Votes 1,010
  • WpPart
    Parts 22
This is not love story. Reality, makes this story. The love he feels is not sleeping, it is awake
March 2020/1 (BL) by Gonz012
Gonz012
  • WpView
    Reads 1,989
  • WpVote
    Votes 338
  • WpPart
    Parts 37
Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi. Gamit ang isang time machine, proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, ito ang kanyang magiging daan upang mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon. 6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Ngayon, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris. Ngunit sa pagbalik ni Jin sa oras at panahon, sa maling timeline siya dinala ng kanyang time machine at napunta sa March 21, 2020-1 year bago nangyari ang insidente. Isa pang problema ni Jin ay hindi na siya maka-alis sa taong 2020 at hindi na makabalik sa tamang oras dahil biglang nawala ang time machine sa kanyang pagbalik sa past. Magpapasya na lamang si Jin na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot. Dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito at nagbago na rin ang kanyang itsura, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Maaaring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras. Hindi rin maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020 kung saan aaminin niya na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili. Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin. Ang pakay lamang ni Jin ay hintayin muli ang araw na maililigtas niya si Chris. Ngunit, sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang mga bagay at sikretong matutuklasan tungkol sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.