marliiiee's Reading List
164 stories
Home At Last - Claudia Santiago by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 18,130
  • WpVote
    Votes 263
  • WpPart
    Parts 10
One And Only by laradyngrey
laradyngrey
  • WpView
    Reads 59,302
  • WpVote
    Votes 1,248
  • WpPart
    Parts 12
"Wagas" ang pinakatamang salita para ilarawan ni Almond ang pagsinta, pagmamahal, at "pagnanasa" niya kay Peedy. Bata pa lang ay ito na ang nakikita niyang lalaki na nararapat para sa kanya. Pero taliwas iyon sa nararamdaman sa kanya ng binata. Lalo pang na-frustrate si Almond nang sa mismong bibig ni Peedy manggaling na gusto na nitong magpakasal sa longtime girlfriend nito na si Tiffany. Natuyo na yata ang utak niya sa kakaisip ng paraan para hindi matuloy ang binabalak ni Peedy na pagtatapat sa nobya nito. Pero tadhana na rin ang umayon sa kanya. Nagawa niyang pigilan ang kasal. Pero ang hindi niya inasahan ay ang kapalit ng pagpayag ni Peedy sa pagpapakasal sa kanya at ang lalo pang paghihirap ng puso niya.
THE STORY OF US 2: AZENITH & ZARDOU (published under PHR1847) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 99,480
  • WpVote
    Votes 2,048
  • WpPart
    Parts 10
Ang akala ni Azenith ay tahimik na ang mundo niya. Sa kabila ng mga nangyari sa kanya ay maraming oportunidad ang kumatok sa pinto niya. Subalit nang makarating sa kanya ang balita na nasa Maynila rin si Zardou-- ang lalaking pinakaiiwasan niya -- ay naalarma siya. Hindi nito dapat malaman ang kanyang kinaroroonan. Mayaman ang lalaki at kayang-kaya nitong bawiin sa kanya ang lahat, maging ang kanyang dignidad. Pero nangyari ang kinatatakutan ni Azenith. Hindi sinasadya ay nagkrus ang kanilang mga landas. Natuklasan niyang hindi pa rin nawawala sa kanyang puso ang mahikang dulot ni Zardou sa tuwing matitigan siya nito. Ngunit sa estado nito ngayon, alam niyang hindi na maaaring dugtungan ang kanilang nakaraan...
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 168,351
  • WpVote
    Votes 3,007
  • WpPart
    Parts 20
"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa college professor niyang si Erik. At kahit dalawampu't limang taon ang tanda nito sa kanya, hindi naging hadlang iyon upang umasa siya na balang-araw ay mamahalin din siya nito. Hindi rin niya inilihim dito ang nararamdaman niya. Ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito. Naging ganoon ang buhay niya hanggang sa bumalik sa bansa ang kanyang ina at ipagpilitan siyang makipag-date kay Misael, ang architect na nakilala nito sa France. Pinagbigyan niya ang mommy niya dahil naniniwala siyang kahit sino ang ipa-date nito sa kanya ay hindi magbabago ang nararamdaman niya. Pero hindi pala niya mapapanindigan iyon dahil dalawang linggo pa lang silang nagkakasama ni Misael ay nahulog na ang loob niya rito. At hindi nagtagal ay naging nobyo na niya ito. Malinis daw ang intensiyon ni Misael sa kanya at upang patunayan iyon ay ipinakilala siya nito sa mga magulang nito. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang matuklasan niyang ang ama nito ay walang iba kundi si Erik!
Thirty Last Days by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 182,187
  • WpVote
    Votes 4,172
  • WpPart
    Parts 11
(published under PHR) May mga naghahanap po ng story na ito sa akin. Ilang taon na rin po mula nang ma-published ito kaya siguro hindi na makita sa stores. Kaya ito ang naisip kong unang i-post rito. Sana po ay magustuhan nyo. Enjoy reading! :) "Truth or dare?" Nakangiting tanong ni Cassandra kay Jethro nang tumapat sa dating boyfriend ang nguso ng boteng ipinaikot niya. "Dare." Muli siyang ngumiti. "Sige, inuutusan kita. Mahalin mo 'ko uli." Nang matahimik ang mga kasamahan ay sinikap ni Cassandra na tumawa. "Pwede bang 'truth' na lang? Wala na kasi akong ibang maisip na ipagawa sa 'yo... maliban sa ang mahalin ako." "Fine," parang napipilitan na lang na sagot ni Jethro. "Truth." "Okay. If there's one thing that you want to tell me, what will it be?" Tinitigan siya ni Jethro nang deretso sa mga mata. "Bakit bumalik ka pa?" Natigilan si Cassandra. Paubos na ang tatlumpung araw na palugit sa kanya para makasama si Jethro. Pero mababawi niya pa kaya ito bago tuluyang angkinin ng iba kung sagad hanggang langit ang galit nito sa kanya?
Te Amo, Forever And Ever (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 311,862
  • WpVote
    Votes 7,402
  • WpPart
    Parts 31
Precious hearts Romances
ALL I ASK OF YOU (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 88,866
  • WpVote
    Votes 1,472
  • WpPart
    Parts 11
"I love you like I find myself smiling every time I think of you and your silly antics." Isa lang ang naging pangarap ni Chelsea mula nang makilala niya ang perfect pitch at music genius na si Kristoff Miranda: Ang mahalin siya nito at pawiin ang lungkot sa berdeng mga mata nito, pati sa mga tugtuging nililikha nito. Kaya sinikap niyang mapalapit kay Kristoff sa kabila ng tahasang pagtataboy nito sa kanya. Sa huli, si Kristoff din ang sumuko. Naging malapit sila at na-in love sa isa't isa. Pero ang katuparan pala ng pangarap ni Chelsea ay pagkasira ng pangarap ni Kristoff na sumikat sa buong mundo nang tanggihan nito ang scholarship offer sa abroad dahil ayaw raw nitong mapalayo sa kanya. Pero hindi niya mapapayagang mangyari iyon. Walang maaaring humadlang kay Kristoff sa pagtupad ng pangarap nito, kahit na siya pa iyon!
Sana Bukas Tayo Pa Rin by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 97,232
  • WpVote
    Votes 2,188
  • WpPart
    Parts 14
Phr Imprint 1419 Published In 2002 "I have branded you as mine even then... even when we were still kids. Wala akong ibang babaeng minahal bukod sa iyo." Kumabog ang dibdb ni Evangeline nang makita ang dalawang bata sa larawan. Picture nila iyon ni Gideon. Walong taong gulang siya noon at hinding-hindi niya malilimutan ang ginawa ni Gideon matapos silang kuhanan ng litrato... Inilapit nang husto ni Gideon ang mukha sa kanya at hinalikan siya sa mga labi. "'Yan," masayang sabi nito, "magbata na tayo mula ngayon." Hindi malaman ni Evangeline kung maiiyak o magagalit sa ginawa ni Gideon. Sininghalan niya ito. "Anong magbata? Mga bata pa tayo, eh, gusto mo na makigaya sa matatanda?" Nagbuntong-hininga si Evangeline sa alaalang iyon ng kanilang pagkabata. Minahal na nila ni Gideon ang isa't isa mula pa noon. Kung hindi lang sa pagkakamali na nagawa niya, marahil nasa kanya pa rin ang pagmamahal nito hanggang ngayon.
The Prude Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 82,773
  • WpVote
    Votes 1,619
  • WpPart
    Parts 11
Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil may negosyo naman siyang pinagkakaabalahan. Ngunit ang tanging panira lang sa tahimik niyang buhay ay ang asungot na si Ziggy. Ipinanganak yata ito para asarin at bigyan ng konsumisyon ang buhay niya! Pero bakit kung kailan nagkaroon na ng ceasefire sa pagitan nila ay saka naman nagkaroon ng digmaan sa puso't isipan niya. She seems to be falling for him! Pero ano naman ang panama niya sa mga naggagandahang mga babaeng naghahabol dito kung siya ay isang dakilang "manang"... sa isip, sa salita, at sa gawa?
My One And Only Queen by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 194,829
  • WpVote
    Votes 7,221
  • WpPart
    Parts 23
Four years ago, halos kay RGL lang umiinog ang mundo ni Abie. Ito ang sentro ng lahat ng pangarap niya. Pero biglang nagbago ang lahat ng makita niya itong kahalikan ang ex-girlfriend nito. Her world crumbled before her every eyes. Kasabay ng pagkawasak ng puso niya ay ang pagkasira din ng relasyon ng kanilang mga pamilya. Tuluyan niyang tinalikuran si RGL. Isinara niya ang anumang komunikasyon dito. Nang lumaban siya bilang kandidata sa Mutya ng San Clemente, hindi niya agad naisip na magiging dahilan iyon para magkalapit uli ang landas nila. Pero paano pa siya iiwas lalo at nanalo siya at nakahanda na rin siyang lumaban para sa Lakambini Ng Nueva Ecija? Imposibleng dedmahin niya ito lalo at ito ang kasalukuyang mayor ng kanilang bayan. Binatang mayor na nagpapalipad-hangin na magkaroon na daw sana ng first lady. Iyon na kaya ang magiging daan para sila magkabalikan? Pero paano ang hindi humuhupang galit ng kanyang ama sa pamilya nito? Author's Note: My One And Only Queen is a PHR-approved manuscript. Kung gusto ninyo pong mapabilis na maisalibro ang kuwentong ito, sana po suportahan nating makaani ng madaming reads, votes at comments dito sa wattpad. Marami pong salamat.