LovelynAlmanzor4's Reading List
184 stories
Destined by kaylenesanjuan
kaylenesanjuan
  • WpView
    Reads 70,662
  • WpVote
    Votes 2,018
  • WpPart
    Parts 15
"Hindi ako ang kasintahan mo." "Alam ko. At hindi ko gagawin kung ikaw sya." "So, my stepbrother's wife to be is promiscuous."Nanunuyang wika nito. "Ito na ang pagkakataon mong makaganti, wouldn't you take this chance?" Pilit nyang nilakasan ang loob sa kabila ng disgustong nakikita sa mukha nito. Ilang sandali itong hindi sumagot at nais na nyang umatras mula sa matinding kahihiyan. "Why not..." he finally said and claimed her lips in a punishing kiss. Bago ang kasal nina Lena at Angelo ay ipinasya ni Lena na ipagkaloob ang sarili sa kinamumuhiang stepbrother ng nobyo. Prim and proper Lena, ano ang maaring nagtulak sa kanya? (Image on cover photo not mine. Credits to the rightful owner/s)
Thirty Last Days by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 182,442
  • WpVote
    Votes 4,173
  • WpPart
    Parts 11
(published under PHR) May mga naghahanap po ng story na ito sa akin. Ilang taon na rin po mula nang ma-published ito kaya siguro hindi na makita sa stores. Kaya ito ang naisip kong unang i-post rito. Sana po ay magustuhan nyo. Enjoy reading! :) "Truth or dare?" Nakangiting tanong ni Cassandra kay Jethro nang tumapat sa dating boyfriend ang nguso ng boteng ipinaikot niya. "Dare." Muli siyang ngumiti. "Sige, inuutusan kita. Mahalin mo 'ko uli." Nang matahimik ang mga kasamahan ay sinikap ni Cassandra na tumawa. "Pwede bang 'truth' na lang? Wala na kasi akong ibang maisip na ipagawa sa 'yo... maliban sa ang mahalin ako." "Fine," parang napipilitan na lang na sagot ni Jethro. "Truth." "Okay. If there's one thing that you want to tell me, what will it be?" Tinitigan siya ni Jethro nang deretso sa mga mata. "Bakit bumalik ka pa?" Natigilan si Cassandra. Paubos na ang tatlumpung araw na palugit sa kanya para makasama si Jethro. Pero mababawi niya pa kaya ito bago tuluyang angkinin ng iba kung sagad hanggang langit ang galit nito sa kanya?
RANDY's Sweetheart 04: Faraway by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 160,612
  • WpVote
    Votes 2,955
  • WpPart
    Parts 23
Aminado si Rose na hindi siya maganda o sexy. Utak lang ang mayroon siya pero himala ng mga himala, mahal na mahal siya ng kababatang si Ace na isa sa mga pinakasikat na estudyante sa Raleigh University. Naging pormal ang kanilang relasyon noong 18th birthday niya, kaya lalong dumami ang kanyang haters-may hate club siya na "We Hate Rose!" ang slogan. Galit na galit din sa kanya ang ina ni Ace. At siyempre, hindi mawawala ang mga negatibong komento na nakukuha niya dahil sa kanyang hindi normal na pamilya, lalo pa at gay couple ang dalawa niyang ama at wala siyang nakagisnang ina. Pero sa kabila ng lahat, kahit kinakalaban si Rose ng buong mundo, araw-araw ay ipinapadama sa kanya ni Ace kung gaano siya nito kamahal. Ipinaglalaban siya ng binata, kahit sa sarili pa nitong ina. Isa lang ang ipinapakiusap nito sa kanya-ang mangako siyang hindi bibitiw sa kanilang relasyon at hindi ito iiwan anuman ang mangyari. But a tragedy made Rose break her promise. Kinailangan niyang lumayo.
ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version) by anrols
anrols
  • WpView
    Reads 67,004
  • WpVote
    Votes 1,395
  • WpPart
    Parts 10
Catch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan lang ako nakahawak ngayon - dahil dito, abot-kamay kita." Teaser Nagkaroon si Nicka ng partial memory loss. Sa dinami-rami ng pwedeng mabura sa isip niya, ang dalawang taon pa na nakalipas sa buhay niya ang hindi niya matandaan. Tila isang fast forward ng buhay niya ang naganap. Nilapitan niya ang kasintahan niyang si Oscar para makapitan sana ito sa gitna ng mga nakakayanig na pangyayari sa buhay niya. To her dismay, hindi na ito ang dati niyang nobyo. He seemed so distant. He seemed so angry at her. Hindi kaya may nagawa siyang kasalanan dito sa loob ng dalawang taon na hindi niya maalala? Kailangang tuklasin niya ang dahilan ng matinding galit sa kanya ng lalaki. Kailangang gumawa siya ng paraan para maibalik ito sa piling niya...
Because You Loved Me (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 146,161
  • WpVote
    Votes 3,232
  • WpPart
    Parts 23
"I have been loving you all my life, wala nang pag-asang magbago pa iyon. Kahit pa mapagod ka sa pagmamahal kong ito." "I've missed you" are not the words you expect to hear from your new boss. Especially when you had punched that boss twice when you were younger and you had sworn to hate the guy for the rest of your life. Kaya naman nang sabihin iyon ni Menriz, ang bagong boss ni Anikka, nang muli silang magkita pagkalipas ng ilang taon ay nawindang ang buong sistema niya. Pero hindi pa ito nakontento roon. Sa araw-araw ay hindi ito pumapalya sa pagpapapansin sa kanya. Until he finally confessed his feelings towards her. Matagal na raw may gusto si Menriz sa kanya at ngayong bumalik na siya, sisiguruhin daw nito na magugustuhan din niya ito! Pero imposible iyon. Dahil nang nakawin ni Menriz noon ang first kiss niya, ipinangako ni Anikka sa sariling kamumuhian ito habang-buhay. Pero bakit hindi niya maipaliwanag ang kakaibang tibok ng puso tuwing napapalapit siya rito? At bakit parang lumilipad ang iba niyang problema at si Menriz na lang ang pumupuno sa magulong isipan niya? The world must be ending!
Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR) by AkoSiAnjBuena
AkoSiAnjBuena
  • WpView
    Reads 204,124
  • WpVote
    Votes 3,479
  • WpPart
    Parts 27
Dahil sa sakit na dulot ng unang pag-ibig ay pinili ni Katelyn na maging loner. Inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho bilang interior designer kaysa gayahin ang kapatid na si Anika na napakahilig sa adventure at sa mga gimik. Tuloy ay madalas siyang tawagin ni Anika na antisocial. Na ipinagkibit-balikat lang niya. Ngunit gumawa ng weird na rule ang kanilang ina. "Anika can only date if Kate will date." Halos gumuho ang mundo nilang magkapatid. Si Anika ay hindi na matutupad ang nais na magka-boyfriend dahil imposibleng makipag-date si Katelyn. Si Katelyn naman, pakiramdam niya ay bibitayin dahil ayaw na niya sa pakikipagrelasyon. Ang masaklap pa ay desidido ang kanilang ina na ihanap siya ng kasintahan. She even found her a date! Ang mayabang niyang kinakapatid galing New York na si Darvin na ubod ng babaero. Duda siya kung magkakasundo sila at kung magagawa ni Darvin na baguhin ang paniniwala niyang walang forever sa pag-ibig.
SOMEONE I LOVE - PHR by ExdeCalibre
ExdeCalibre
  • WpView
    Reads 5,183
  • WpVote
    Votes 158
  • WpPart
    Parts 19
Para sa mga hindi nakakaalam, Airen ang official na tawag sa mga FANS ni Lee Seung Gi-isang South Korean actor, MC/Host at singer sa Korea. Sa pagbabasa sa nobelang ito, malalaman ninyo ang kahulugan ng salitang Airen. At dahil sa pagmamahal ng mga Pinoy kay LSG, nabuo ang AirenPH-ang official fan club ni LSG sa Pilipinas. AirenPH started when three 1 Night 2 Days (Korean variety show) fan girls met online and planned to have a dedication page for LSG. Kabilang nga sa mga AIREN PH Family ay sina: Camille Tajon, na founder ng grupo, Noimie Galvez, Ermavil Mabelle Galvez, Allyssa Denise, Janielyn Amora, Jennieca Lee, Mika Morales, Madelyn Nicolas, Jestine Lara Lee, Leslie Joy Vizcarra, Aiza Joy Rafanan, Camille Joy Torres, Camille Fay Portento, Divine Sanchez, Cha Teylan, Nicole Fay Magadan, Jheck Pangilinan, Gem Pascua, Sarah Nicolas, Beybe Hulia, Meh Lot, Cheryl Angot, Christine Visitacion, Kathleen Mae Marcelo, Rosalyn Aseo Sarte, Thina Koana, Marivic Jardeliza, Jeryl Abella, Madelyn Nicolas, Emy Tomale, Judith Pabalan, Ann Ariane Lacupanto, Lilybet Bautista-Sison, Marjoie Base Pulad, Chelze Esguerra, si Anista Rusiana Dewi na isang international Airen at AKO. Haha! May membership card man o wala, nagdodonate man o hindi, basta sumusuporta kay Lee Seung Gi, pasok sa Airens. At ang akda kong ito ay inaalay ko para sa kanila. Isang love story na kung saan ang mga pinagsama-samang pagmamahal ng mga AirenPH members ay nagkaroon ng happy ending kasama ang aming iniidolo. Lee Seung Gi-shi, hwaiting! AirenPH, nodo hwaiting! Nomu nomu nomu saranghae! Nomo bogoshipo! ^__^ ALL RIGHTS RESERVED TO PRECIOUS PAGES CORP
Not Just A Pretty Face by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 79,931
  • WpVote
    Votes 1,490
  • WpPart
    Parts 11
Binansagan si Casey sa kanilang university na "beauty with no brains." Kabilang siya sa tinaguriang "The Loser's Club." Hindi lang niya minsang narinig ang pangungutya sa kanya ng mga tao. Pero hindi na niya ininda ang mga iyon lalo na nang aminin sa kanya ni Red, ang kanyang Prince Charming na gusto rin siya nito. Hindi biro ang mga ginawa niya para mapansin siya ng binata. Naging errand girl siya ng basketball team na kinabibilangan ni Red para lang maalagaan at masilayan niya ang kaguwapuhan nito. Ang akala ni Casey ay maayos ang lahat sa relasyon nila ni Red, pero isang malaking problema pala ang kakaharapin niya-ang mga magulang nito. Kilalang henyo ang buong pamilya ng binata at natatakot siya na baka hindi siya magustuhan ng mga magulang nito para kay Red. Hindi naman siya nagkamali ng sapantaha. Tila nagdilim ang mundo ni Casey nang marinig niya mismo mula sa bibig ng mama ni Red kung gaano siya nito inaayawan. Pero mas masakit pala ang malaman na naipagkasundo na si Red sa ibang babae at pampalipas-oras lamang siya nito.
Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015) by YaneyChinita
YaneyChinita
  • WpView
    Reads 175,224
  • WpVote
    Votes 3,168
  • WpPart
    Parts 13
Found You (January 2015) by Yaney Matsumoto "I love you. You're my present and you're definitely going to be my future." Hindi alam ni Marla kung matatawa o magagalit sa kanyang ama nang sabihin nito na ipapakasal siya sa anak ng best friend nito. At dahil mukhang desidido ang kanyang ama sa pinaplano ay naglayas si Marla sa kanila. Dahil sa labis na sama ng loob at kadesperaduhan ay naisipan niyang maglasing sa isang bar para pawiin ang lungkot at sama ng loob. And then she met Micky, the man who sat next to her. And one thing lead to another. She spent the rest of the night with him in his hotel suite! Ang akala ni Marla ay hindi na muling magtatagpo ang mga landas nila ni Micky. But she got the biggest irony of her life! Because the man whom she refused to get married to was the same man she had a one-night stand with! Unti-unting nahulog ang loob ni Marla kay Micky sa mga araw na lagi niyang kasama ang binata. Ngunit naputol ang lahat ng sayang naramdaman niya nang malaman ang pinakatatagong sekreto ng binata-matagal nang mahal ni Micky ang stepsister nito... *note this version is raw / unedited so beware of the grammatical errors here, there and everywhere~ and yesss, this is a spin-off my novel Once And For Always. So if you haven't read that, go check it out. :) Please enjoy reading! :) PS Micky here was inspired of Micky Yoochun of DBSK / JYJ. He's my 2nd bias in JYJ eh. I love him ♥
The Right Mr. G (COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 124,415
  • WpVote
    Votes 1,838
  • WpPart
    Parts 10
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ Published: April 2012 "Nasa malapit lang ang lalaking mapapangasawa mo. Madalas mo siyang nakikita. Letter 'G' ang umpisa ng pangalan niya. Isang bato ang ibibigay niya sa 'yo bilang simbolo ng kanyang pag-ibig. Bibigyan ka rin niya ng tatlong puting rosas bilang simbolo ng puro at wagas na pagmamahal niya." Iyon ang sinabi kay Leila ng manghuhula tungkol sa lalaking nakatadhana para sa kanya. Hindi siya likas na nagpapaniwala sa hula, pero nang isa-isang magkatotoo ang mga senyales na sinabi ng manghuhula ay unti-unti siyang nakumbinsi na totoo iyon. Mr. G was indeed her destiny. Ang problema, dalawang "Mr. G" ang swak sa hula sa kanya. Si Glenn, ang suitor niya na pang-CEO ang dating, at si Gerry, ang guwapong "ampon" ng pamilya niya, maginoo pero medyo pilyo ang dating. Dumating ang pagkakataong kailangan nang mamili ng puso niya. Ngunit may isa pang problema. Dahil mahal ng kapatid niya ang lalaking napili niya.