CarloDollerPablico
Isang tahimik na gabi, isang Thai girl ang tumuntong sa bintana malapit sa kanyang kwarto. Nagtangkang magpakamatay dahil hindi na niya kaya ang nangyari sa paghihiwalay ng kanyang Thai boyfriend. Hanggang sa tumalon siya mula sa ika-70 na palapag...... at sa pagbagsak niya, sinalo siya ng isang lalaki na dumayo sa Bangkok para magbakasyon. Hinimatay ang babae dahil sa sobrang depression sa nangyari.
Nagsimula ang paghihiwalay sa Facebook. Dahil nakita n'ya ang mga pictures na magkasama ang kanyang boyfriend at ang babaeng kinakasama. Halos nagalit siya dahil sa sobrang selos. Samantala, sa Davao, isang lalaki ang may katangian na ubod ng talino, sipag, marunong sa lahat ng bagay at sa pagkumpuni ng mga anik-anik o mga butingting.