DreamerIsGood
Isang high school girl na hinahanap ang pumatay sa kapatid niya sa tulong ng isang misyong ibinigay sa kaniya. Nakilala niya ang isang lalaki na leader ng gang sa eskwelahan kung saan siya pinag-aral ng uncle niya. Sa lalaking ito malalaman ng babae kung sino ang tunay na pumatay sa kapatid niya, pinag-aralan siya ng babae kung paano siya kumilos, ano ang gusto at ayaw niya, at kilalanin ang buong pagkatao. Kinuha ng babae ang tiwala ng lalaki hanggang sa napaikot na niya ito sa mga kamay niya.
Bawat asaran may malalim na ugnayan ngunit sa likod nito may nangyayaring 'di maaaring ibunyag sa sangkatauhan. Isang laro na ang buhay ang nakataya at kung sino ang mahuhuli ay siyang talo na makakatanggap ng kaparusahan.
Kilalanin si Soliel at Ezra.
"Tara laro! Buhay ang nakataya."
-Soliel
"Di' lahat ng nakikita ng mga mata mo, pagkakatiwalaan mo."
-Ezra
Kailan kaya ang end game?