KenshiHanami's Reading List
3 stories
IN HIS ARMS (A BxB Story) by KenshiHanami
KenshiHanami
  • WpView
    Reads 56
  • WpVote
    Votes 12
  • WpPart
    Parts 5
Cloude David Aristotle, isang mayaman at sikat na CEO ng isang sikat na kompanya. Tinitilian siya dahil sa kagwapuhan niya ng mga babae at ng mga bakla, mapabata man o matanda. Pinapangarap siya ng mga kababaihan dahil na rin sa angking talino at husay nito sa pagpapatakbo ng kompanya. Masungit ito ngunit malapit ang puso sa mga bata na nasa orphanage at mga bata na walang tahanan. Ngunit sa likod ng kaniyang mga tagumpay sa buhay ay nariyan ang mga magulang niya na nagdadala sa kaniya ng pressure. Ianne Rain Demillo, isang masipag at matalinong anak. Hindi sila mahirap at hindi rin mayaman, katamtaman lang ang buhay na mayroon sila. Hindi maikakaila na may kagwapuhang tinataglay ang isang Ianne Raine Demillo. Tinitilian din siya ng mga kababaihan sa kanilang lugar at sa kanilang eskwelahan. Maraming nagkakandarapang babae para lang mapansin niya, ngunit lingid sa kanilang kaalaman ang tinatagong tunay na katauhan ni Ianne. Paano kung magtagpo ang kanilang landas? Paano kung magising sila isang araw na mahal na nila ang isa't isa? Paano nila haharapin ang mapanghusgang mata at bibig ng mga taong nasa paligid nila? Itatago na lang ba nila o lalabanan ang sasabihin ng iba? What if Ianne is wanted to be IN HIS ARMS?
SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 by KenshiHanami
KenshiHanami
  • WpView
    Reads 746
  • WpVote
    Votes 432
  • WpPart
    Parts 16
SCHWERT ACADEMIA SYNOPSIS Paano kung ang iyong kapalaran ay hindi mo na mababago pa? Paano kung wala ka ng ibang opsyon kun'di lumaban, lalaban ka ba? Simula pagkabata, alam na ni Historia ang sekretong nakabalot sa kaniyang hawak na apelyido. Ngunit sapat nga ba ang mga nalalaman niya o may mas mabigat pa? Si Historia ay matapang at matalinong dalaga. Sa murang edad minulat na siya ng kaniyang ama at kapatid na lalaki sa mundo na malayo sa mundong kinagagalawan niya. Alam niya na may iba pang mundo liban sa mundo ng mga tao. Alam niyang darating ang araw na makapapasok siya sa ibang mundo- mundo ng mahika. Ang Parallel Dimension ay ang nakatagong mundo na nababalot ng mahika at iba't ibang elemento. Bawat bansa ay may kani-kaniyang pagkakakilanlan at elementong nakatalaga. Ang Avanguard ay bansa na sakop ng Parallel Dimension. Ang focus ng Avanguard ay paggamit ng mahika at iba't ibang uri ng espada. Alam din ni Historia ang nasa loob ng Avanguard ngunit hindi niya alam ang takbo ng pamumuhay roon dahil nais ng kaniyang ama na siya na mismo ang tumuklas ng mga nais pa niyang malaman. Si Historia ay nakatakdang magkolehiyo sa paaralan na nasa loob ng Parallel Dimension -ang Schwert Academia na sakop ng bansang Avanguard. Halinat sabay-sabay alamin ang nakatagong sekreto ng SCHWERT ACADEMIA.