ajsvri's Reading List
6 stories
Heartless (Published under Sizzle and MPress) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 119,933,695
  • WpVote
    Votes 2,864,279
  • WpPart
    Parts 66
Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang oras na lang ay pasko na. Yung feeling na tatlong araw na lang simula na ulit ng pasukan. Yung feeling na nasa gitna ka pa lang at di ka pa nakakarating. Yung feeling na malapit na pero hindi pa. Yun ang laging gusto ko. Yung nasa gitna pa lang. Yung nasa gitna ka ng dalawang bagay. Gitna ng isang building. Gitna ng langit at lupa. Gitna ng dalawang matatabang tinapay. Gitna ng byahe papuntang disneyland. Mas gusto ko yung feeling tuwing nagbabyahe kesa doon sa nakarating ka na. Mas gusto ko yung feeling na may inaantay ka kesa doon sa nandyan na. I always like the things in between. "You only like things in between, Coreen. You only like the chase... You only want me chasing after you. You don't want to decide... Pero pakiusap naman, magdesisyon ka na, kasi tao rin naman ako, nasasaktan. And you? I don't think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko... You are just too heartless."
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 136,423,725
  • WpVote
    Votes 2,980,180
  • WpPart
    Parts 83
Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapansin Kaya?" Paano kung hindi? Paano kung oo? Magkaiba ba ang gagawin mong desisyon o pareho lang? Mag-iiba ba ang pananaw mo o magpapatuloy ka lang sa kung anong alam mong constant? Umaatikabong fame laban sa umaatikabong pag-ibig.
Against the Heart (Azucarera Series #1) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 44,842,987
  • WpVote
    Votes 1,510,613
  • WpPart
    Parts 43
Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But well, maybe, not all. May madilim na lihim ang kanyang pamilya. Isang bagay na hindi inaasahan para sa kanila. The deal Real's were always the epitome of a perfect family, not until that night. Inukit sa puso niya ang galit at pagkamuhi para sa mga Castanier. She was sure that when the Lenadro Castanier is back, she would throw them out of Altagracia. Even if it was against her heart. This is the First book of Azucarera Series. The series consist of three books. The two other books are: Getting to You (Azucarera #2) Hold Me Close (Azucarera #3)
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 93,196,058
  • WpVote
    Votes 2,239,463
  • WpPart
    Parts 74
Alam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinaiyak ka na? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na hindi mo mabitiwan? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na bawal?
Hold You Accountable (Published) | ✓ by alluringli
alluringli
  • WpView
    Reads 21,376,169
  • WpVote
    Votes 783,556
  • WpPart
    Parts 48
(PUBLISHED UNDER Bliss Books AND Flutter Fic) seniors series #1 A Senior Highschool series. complete [unedited] 1# NBS Bestseller under Local Fiction [July 2024] Madali lang daw ang maging honor student. You just have to mix intelligence, perseverance and start being assiduous with almost everything - then you'll be rewarded with the medals you have always yearned for. Zafirah Sidney Sanchez has always been like that ever since she stepped her feet in the school grounds. Kaakibat ng pagiging honor student niya, she has always put her grades above everything and believes that she can be the best among the rest. When she met Sarathiel Zyler Aracosa of the STEM strand, he trampled on her ego when his grades were greater than hers and to add salt to the wounds - the guy did it so effortlessly. Being affronted with the sudden revelation that her enemy might just have it all even without inserting any effort, Zafirah made it her school life's mission to beat him when it comes to academics. But what if instead of the passionate hatred that she is insisting to have for him, a burning love would surface? At paano kung ang inaalagaan niyang titulo ay tuluyan nang maagaw sa kanya? And if things go wrong, who do we hold accountable for our choices? Is it our hearts or our minds? highest rank: #1 teen fiction
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,184,556
  • WpVote
    Votes 1,332,888
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.