ELEELI24
Pagbabakasyon sa isang nakatagong isla sa Sorsogon ang tanging hiling ni Danica pagkatapos ng kanilang school year ng matalik na kaibigang si Niana. Sa kwento pa lang nito ay naakit na siya sa lugar, kaya naman ginawa niya ang lahat mapapayag lang ang kanyang Daddy-ang itinuturing na 'batas' sa kanilang pamilya. At nanalo siya!Ngunit hindi inaasahan ni Danica na ang bakasyong ito ang tuluyang magbabago sa kanyang buhay nang makilala ang binansagan niyang The Hunk Fisherman-si Reese Grayson. Siya ang kanyang summertime love: matangkad, moreno, at guwapong parang hinugot sa fashion magazine, pero banyera ng isda ang hawak.Ginalaw ng misteryosong mangingisda ang kuryosidad ni Danica, na kalaunan ay nahulog sa isang malalim na pagmamahal. Ngunit sa paghahanap niya ng sagot sa pagkatao ni Reese, handa ba siyang harapin ang katotohanan? Will curiosity kill her heart, o kaya ba nitong ipaglaban ang pag-ibig na nagsimula lang sa isang tag-araw?