-MARAHUYO-
Meet Arabella Tiazon. Isang nerd pero isingit natin ang salitang 'palaban'. Alam naman na natin na ang isang nerd ay habulin, hindi ng mga lalaki kundi mga bully. Pero ang isang ito ay talaga namang tigasin. Hindi inaatrasan ang mga tarayan sa eskwelahan.
Because of her scholarship, makakapagaral sya sa Plainview International University, school ng mga elite at S-class. Akala niya ay mababago ang kanyang buhay, na hindi na siya mapapaaway at makapag focus na ng tuluyan sa pagaaral. Ngunit sa hindi inaasahang mga pangyayari, makikila niya sina Sky, Lee at Clyde. Puno ng pangaasar at hangin lamang ang laman ng ulo. Minsa'y mababait pero minsan ay wala rin sa hulog ang pagiisip. Sa pagdaan ng panahon ay doon rin niya malalaman na posible pa palang magmahal ang isang tao na may pusong manhid at walang buhay. Masasaksihan rin natin ang kanyang kwentong pagibig at paano niya mahahanap ang totoong ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal'.
Ang hindi alam ni Arra na darating ang panahon na ang kanyang pinakatinatagong lihim ay mabubunyag. Na malalaman ng lahat ang kanyang mapait na nakaraan, ngunit magbubukas din sa panibago at makulay na buhay na puno ng saya, lungkot, at paghihirap. Litte did she know that...
FATE WILL FIND A WAY