CHRONOPH's Reading List
6 stories
Different Realms: Xyriel Academy by Jynx___
Jynx___
  • WpView
    Reads 51,032
  • WpVote
    Votes 2,835
  • WpPart
    Parts 69
Lahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang makapangyarihang binata pigilan ang isang haring handang gawin ang lahat para makamit ang gusto?
Lord Of The Dead Beasts [Volume 1: Blessing Of The Abyss] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 83,827
  • WpVote
    Votes 7,386
  • WpPart
    Parts 40
Walang pangalan. Walang kalayaan. Isa lamang na alipin si Grim - hanggang sa isang gabi, tinulungan siya ng isang misteryosong mersenaryo upang makatakas. Gayunman, ang dati niyang amo ay natunton siya't walang awang pinaslang. Dapat ay doon na nagtatapos ang kaniyang kuwento. Pero hindi. Isang misteryosong boses mula sa hinaharap ang bumulong ng kakaibang salita sa kaniyang isipan: "System, now downloading, Advanced Class: Lord of the Dead Beasts." Mula sa kamatayan, si Grim ay muling nabuhay. At sa kaniyang paggising, taglay na niya ang kapangyarihang muling buhayin - at kontrolin - ang mga bangkay ng Magus Beasts. At ngayon, hindi na siya alipin. Isa na siyang nilalang na hindi na kaya pang itali ng kadena o isumpa ng kasuklam-suklam niyang marka. Ang pangalan niya ay Grim Lancaster... at dala niya ang bangis ng libo-libong mga Magus Beasts. Ang mundo ay magluluksa. At ang kaniyang paghihiganti... AY DITO PA LANG MAGSISIMULA Bookcover by: @Patzgeraldt Date Started: January 01, 2025
Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 613,362
  • WpVote
    Votes 96,896
  • WpPart
    Parts 102
Armado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakikipagsapalaran sa mundo ng pinagmulan. Dahil sa mga napagtagumpayan ni Finn, tatlo sa kilalang puwersa sa Land of Origins ay kaniya nang kaibigan. Mayroon silang kalamangan na wala ang ibang tagalabas; mayroon na silang pagkakaintindi sa kung ano man ang mayroon sa mundong kanilang ginagalawan. Ganoon man, marami pang hiwaga ang hindi pa nila natutuklasan-at isa na sa mga iyon ang mga naiwan ng mga diyos sa Land of Origins na ngayon ay isa-isang tutuklasin ni Finn at New Order. -- Date started: August 1, 2023 (Wattpad) Date ended: November 8, 2023 (Wattpad) --
Legend of Divine God [Vol 13: Land of Origins] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 882,592
  • WpVote
    Votes 147,123
  • WpPart
    Parts 142
Synopsis Sa pagpapakita ng Land of Origins o ang tinatawag ding mundo ng pinagmulan ng lahat bagay, si Finn at ang New Order ay naghahanda na para sa isang mapanganib na pakikipagsapalaran sa mundong ito. Tutuklasin nila ang misteryong bumabalot lupaing ito, at gagamitin nilang magandang oportunidad ang paglalakbay rito upang ipakilala ang New Order sa sanlibutan. Iba't ibang puwersa mula sa iba't ibang upper realm ang kanilang makakasalamuha. Nakatakda na silang magkaroon ng mga kakampi at kaaway, at handa silang gawin ang lahat upang mapili sila ng Land of Origins bilang magiging pinakamalakas na adventurer sa hinaharap. -- Started on wattpad February 1, 2023 - ??
The Crow Merchant by chufalse
chufalse
  • WpView
    Reads 97,589
  • WpVote
    Votes 6,131
  • WpPart
    Parts 93
Genre: Fantasy, Adventure, Action Si Lyze Erizalde Vorstin, prinsesa nang isang malaking bansa, kasama ang kaniyang tagapagsilbing si Sophia ay hindi inaasahang maglalakbay kasama si Crow, isang mangangalakal. Nangyari ito, matapos nilang madukot ng hindi kilalang mga lalaki sa kanilang palasyo at nangyari ito sa gitna ng isang piging. At nakilala nila si Crow, matapos silang mailigtas nito sa ilang mga bandido nang hindi sinasadya. Dito naisipan ni Lyze na sumama kay Crow, kahit hindi nito gustong may kasama. Subalit sa pagtagal ay tila natanggap na din sila nito ng tuluyan. Sa ngayon ay nasa kalabang bansa sila at patuloy na naglalakbay upang makabalik sa kanilang bansa. Subalit masyado itong mahirap para sa kanila, dahil na rin sa dami ng panganib na maaari nilang harapin sa paglalakbay. Gayumpaman ay nagagawa na ni Lyze na makibagay sa bago niyang mundo.
Legend of Divine God [Vol 8: Advent of the Divine Child] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 451,247
  • WpVote
    Votes 75,776
  • WpPart
    Parts 62
Dahil sa pagkapanalo ng New Order Alliance sa malaking digmaan, ang Dark Continent ay nakatakda nang mabago at magkaisa. Tapos na ang misyon ni Finn sa Dark Continent, nagawa niya ang hamon ni Munting Black, at ngayon, babalik na siya sa Ancestral Continent upang muling makasama ang kanyang pamilya at ang kanyang mga kaibigan. Subalit, isang trahedya ang sumalubong kay Finn sa kanyang pagbabalik. At dahil sa trahedyang ito, magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng binata. Magiging iba na siya sa dating Finn Doria. -- Started on Wattpad: April 11, 2021 - August 2, 2021 Illustration by Rugüi Ên