Maricar dizon
41 stories
TIBC 6 - THE UNTAMED CUPID by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 79,295
  • WpVote
    Votes 3,643
  • WpPart
    Parts 13
Pasaway na anak si Janis. Panay sakit ng ulo ang ibinibigay niya sa kanyang mga magulang. Tuloy ay palagi siyang naikokompara sa kapatid niyang ang tingin ng lahat ay anghel sa kabaitan. Dahil doon ay naisip niyang kunin ang atensiyon ni Yuuji, ang lalaking iniibig ng kapatid niya. Nagtagumpay naman siya at naging nobyo niya ito. Yuuji was fun to be with. Ipinadama rin nito sa kanya na espesyal siya, isang bagay na hindi niya naramdaman sa kahit kaninong miyembro ng pamilya niya. Kaya nang lumaon ay nag-iba na ang tingin niya rito. Hindi na niya ginagamit ito upang inisin lang ang kapatid niya dahil iniibig na rin niya ito-for real. Ngunit nalaman niyang ito pala ay may rason din kung bakit nakipaglapit sa kanya, at iyon ay dahil sa awa...
TIBC BOOK 5 - THE TROUBLEMAKER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 84,771
  • WpVote
    Votes 3,988
  • WpPart
    Parts 12
Para kay Sissy, isang misteryo si Jet Montero. Parang may lihim na itinatago ang guwapong binata sa pagkatao nito. Masungit din ito at madalas napapaaway, pero pagdating sa kanya ay umaamo ito na parang tupa. Alam niyang imposibleng ma-in love siya sa kagaya nito pero iyon ang nangyari. Kahit hindi pa niya lubos na kilala ito ay sumugal siya sa pag-ibig nito. At sa piling nito ay naramdaman niya ang kakaibang kaligayahan na hindi pa niya naranasan kahit kailan. Isang araw ay nagpaalam ito sa kanya at nag-iwan ng isang pangako na babalikan siya. She held on to that promise. Sadly, he never came back.
TIBC BOOK 4 - THE LONE WOLF by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 81,323
  • WpVote
    Votes 3,833
  • WpPart
    Parts 11
The moment Carrie saw Martin, she knew she was in love. Kaya ginawa niya ang lahat ng paraan para mapansin siya nito. Sa pagtataka niya, tila immuned sa charm niya ang guwapong binata. He always asked her to stay away from him. Pero isang bagay iyon na hindi niya kayang gawin. Kaya kahit magalit pa ito, lumalapit pa rin siya rito. Aalamin niya ang dahilan kung bakit ganoon ito sa kanya. Ngunit nang malaman niya ang dahilan, pakiramdam niya ay isa siyang talunan. Paano ay nalaman niyang mahal pa rin pala nito ang dating kasintahan nitong namatay sa isang accident. Kaya ba niyang makipagkompetensiya sa alaala ng isang patay na nagkataong mahal pa rin nito?
TIBC BOOK 3 - THE HEART THIEF by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 87,389
  • WpVote
    Votes 3,874
  • WpPart
    Parts 10
Parang gustong mag-back out ni Rhianna nang malaman niyang isa sa mga celebrity na idi-direct niya sa gagawin niyang liquor commercial ay si Cedric Marcelo, ang sikat na international motorcycle racing champion. She fell in love with him ten years ago, pero sinaktan lang siya nito sa pagsasabing kailanman ay wala itong sineryosong babae sa buhay nito. May expiry date daw ang pakikipagrelasyon nito sa isang babae, at isa lamang siya sa mga babaeng wala itong balak na seryosuhin. At ngayon ay nagbalik ito sa buhay niya at sinabing "I'll definitely win you back." Ninakaw na nito dati ang kanyang puso, hahayaan ba niyang nakawin uli nito iyon sa ikalawang pagkakataon? Ang sabi ng isip niya ay "hindi," pero kabaligtaran niyon ang sinasabi ng kanyang puso...
TIBC BOOK 2 - THE LOVE COACH by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 98,689
  • WpVote
    Votes 4,965
  • WpPart
    Parts 12
Kahit matalino, tampulan pa rin ng panunukso ng kanyang mga kaklase si Angelique dahil sa ayos niya at paraan ng kanyang pananamit. Manang daw siya. Mabuti na lang, hindi ganoon ang pakikitungo sa kanya ng crush niya kaya bilang kapalit ay tinutulungan niya ito sa mga assignment nito. Ngunit natuklasan niyang ang pagtulong niyang iyon ang nais lang pala talaga nito mula sa kanya, at hindi dahil gusto rin siya nito. Hindi raw ito magkakagusto sa isang pangit na tulad niya. Labis na nasaktan siya sa ginawa nito. Aio offered to help her seek revenge on her ex-crush. Ime-makeover daw siya nito upang ipamukha sa ex-crush niya na nagkamali ito nang saktan siya nito. Miyembro ito ng infamous biker's club sa unibersidad nila kaya ito ang huling taong maiisip niyang tutulong sa kanya. Aside from the makeover, sinabi pa nitong magpapanggap silang magnobyo. Pero binalaan siya nito na huwag siyang mai-in love dito dahil baka lalo lang daw mawasak ang puso niya. But she did not heed his warning. Dahil bago pa matapos ang misyon nila, nahulog na nang tuluyan ang puso niya rito.
TIBC BOOK 1 - THE RUGGED KNIGHT by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 246,881
  • WpVote
    Votes 10,990
  • WpPart
    Parts 23
Ria lived a monotonous life. Sawang-sawa na siya sa pagmamanipula ng mga makapangyarihang magulang niya. All her life, ang mga ito ang nasusunod kung paano niya patatakbuhin ang buhay niya. Ngunit nagkaroon ng kakaibang saya ang mundo niya nang pumasok doon si Greg Ledesma, the rugged knight on a motorcycle. Sa piling nito lang niya naramdaman ang kakaibang saya at pagmamahal na hindi pa niya naramdaman sa kahit sinong lalaki. She knew it was love. Ngunit muling nakialam ang kanyang mga magulang. Pinagbantaan ng papa niya ang buhay nito. Hindi mangyayari iyon kung papayag siyang makipaghiwalay kay Greg at pupunta sa States. Masyadong mahal niya ang binata kaya sinunod niya ang kanyang ama. At dahil doon ay inani niya ang poot ni Greg. Kung malalaman pa nito ang sakripisyong ginawa niya para sa pagmamahal niya rito, panahon na lang ang makapagsasabi...
THE SOCIAL ICON by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 219,501
  • WpVote
    Votes 8,316
  • WpPart
    Parts 37
(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sobrang awkward nang magkita uli sila isang araw. Hindi rin kasi inaasahan ni Gabby na magsasalubong pa uli ang kanilang mga landas dahil magkaiba ang mundong ginagalawan nila. Pero ang pagkikita na iyon ay nasundan ng nasundan. Nawala ang awkwardness, napalitan ng chemistry na palagi nagpapaalala sa kaniya sa gabing iyon one year ago. Gabby new they are falling for each other. Pero dahil sa kaniya naputol ang posibilidad na finally magkakaroon na siya ng masayang love life. Nalaman kasi ni Jaime ang isang bagay na hindi pa niya sinasabi rito: Na mayroon siyang fiancee.
Wildflowers Series Prequel: OUR SONG by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 17,475
  • WpVote
    Votes 508
  • WpPart
    Parts 10
[originally part of the WILDHORN Band mini-series. posting it as a separate book para mas madali makita ng mga naghahanap. ] Number one fan si Cham ng drummer na si Rick ng bandang Wildhorn. Lahat ng mga gig nito ay pinupuntahan niya masilayan lang ang iniirog. Nang mabigyan siya ng pagkakataon na makasama ito ay hindi na niya pinalampas iyon. Nalaman niya habang kasama niya ito na may dinaramdam ito. Kaya nang humiling ito sa kanya na kantahan niya ito ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Ang akala niya ay iyon na ang huling beses na makakasama niya si Rick. Ngunit nagkamali siya. Nang magdesisyon ang banda nina Cham na sumali sa contest ng Diamond Records na "The Next Big Name in Music," hindi niya inakala na makikita niyang muli si Rick. Hindi niya maikaila ang tuwa na naramdaman niya nang makita itong muli. Mula noon ay madalas na niyang makita ito at makasama. Nang manalo ang banda ni Cham na Wildflower sa contest na iyon ay lalo lang siyang napalapit nang husto rito. Lalo ring lumalim ang nararamdaman niya para sa binata. Ngunit hindi pa man nag-uumpisa ang gumagandang relasyon nila ay mukhang masisira na iyon. Nang masangkot ang pangalan nila ni Rick sa isang eskandalo ay napilitan silang maghiwalay para na rin sa mga career nila.
THE ASSISTANT by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 589,159
  • WpVote
    Votes 18,035
  • WpPart
    Parts 38
(sequel ng story ko na The Late Bloomer) NASA point si Melissa ng kanyang buhay na hindi na love ang priority niya kung hindi pamilya. Bilang isang biyuda na may dalawang anak, nakapagdesisyon na siyang hindi na uli papasok sa isang relasyon. Kaya nang alukin siya ng boss niyang si Dominic Roman para maging executive secretary nito kasi siya raw ang nag-iisang tao na hindi mai-inlove dito, pumayag siya. Parehong malinaw na professional lang ang gusto nilang relasyon at sa unang mga linggo ay ganoon ang nangyari. Pero nang magpunta sila sa Singapore para sa isang business related trip. nagbago ang lahat. May nabuong attraction sa pagitan nilang dalawa. Kay Dominic niya naramdaman kung paano ang alagaan at gawing first priority na kahit siya hindi ginagawa sa kanyang sarili. Kaso pagbalik nila sa Maynila sinalubong sila ng problema. Narealize niya na mas komplikado pala kaysa akala niya ang buhay ni Dominic. Magte-take pa rin ba siya ng risk kahit na may posibilidad na masaktan ang mga anak niya kung ipagpapatuloy niya ang relasyon sa binata?
Wildflowers series book 5: True Love's Passion by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 503,378
  • WpVote
    Votes 12,749
  • WpPart
    Parts 38
Lingid sa kaalaman ng lahat, nagsimula ang pagkahilig ni Yu sa drums at sa musika noong bata pa siya nang makilala niya si Matt na napadpad sa bayan nila. He was the one who introduced rock music to her. Ito ang nagturo sa kanya kung paano tumugtog. Sa loob ng isang linggong nakasama niya ito ay nabago ang buhay niya. It was also the first time she learned how it feels to fall in love with someone. Ngunit kinailangan nitong umalis at ang tanging naiwan nito sa kanya ay isang lumang discman at pangalan nito. Sa paglipas ng panahon ang paghahanap dito ang naging motivation ni Yu para maging matagumpay na musikera. Ngunit kahit labinlimang taon na ang lumipas at sumikat na sila ay hindi niya nakita si Matt. Nang magpasya siyang sumukoay saka naman muling nagkrus ang mga landas nila. Again she strongly felt a mutual attraction from that moment. Ang akala niya magagaya na siya sa mga kaibigan niya na masaya sa piling ng mga mahal ng mga ito. Pero may isang sekreto pala si Matt na hindi nito sinabi sa kanya. Sekretong dumurog sa puso niya