Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.
Undone
2 stories
OH MY GHOST [ONGOING] by Itsquantiara
Itsquantiara
  • WpView
    Reads 949,872
  • WpVote
    Votes 55,426
  • WpPart
    Parts 126
Si Samara ay isang masayahin at positibong dalaga na kayang pagaanin ang loob ng mga taong nakakasalamuha niya. Hindi siya naniniwala sa mga multo at kaluluwa, at kailanman ay hindi siya natakot sa mga kuwento tungkol sa kababalaghan. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Vrel Rehan Terrico-isang malamig, masungit, at tila walang emosyon na binata. Sa ospital kung saan sisimulan ni Samara ang pagtupad sa kanyang pangarap, doon din magsisimula ang isang kuwentong mag-uugnay sa kanilang dalawa sa paraang hindi nila inaasahan. Ngunit hindi basta pagkakataon ang nagtagpo sa kanila. Ano ang magiging papel ni Samara sa buhay ni Vrel Rehan Terrico? Bakit tila may mas malalim na dahilan sa likod ng kanilang pagkikita? At gaano kabigat ang katotohanang naghihintay na kanilang matuklasan? Sa pagitan ng buhay at kamatayan, paniniwala at pagdududa, may isang kuwentong magpapatunay na hindi lahat ng bagay ay nakikita ng mga mata-at hindi lahat ng pagtatagpo ay nagkataon lamang.
I Reincarnated as My Boyfriend's Pet (Completed) (UNEDITED) by WrongKilo_
WrongKilo_
  • WpView
    Reads 244,990
  • WpVote
    Votes 14,223
  • WpPart
    Parts 55
Perpektong-perpekto ang buhay na mayroon ako, buhay na hinahangad ng ibang tao, kayamanan, kasikatan, nobyong walang hinangad kung hindi ang kaligayahan ko at higit sa lahat ang inaakala nilang perpektong pamilyang mayroon ako. Kinaiinggitan ng lahat... ngunit isang araw, nangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan. Ang aksidenteng hindi makakalimutan... nakita ko na lang ang sariling naliligo sa sariling dugo't walang malay. Akala ko roon na magtatapos ang kwento ko ngunit... Nagising na lang ako na buhay ako, tumatahol, pakawag-kawag ang buntot at higit sa lahat dinidilaan-- ano?! Bakit ako nasa katawan ng isang-- isang aso?! Date starte: May 25, 2020 Date ended: June 17, 2020