eydiandrius
- Reads 276
- Votes 10
- Parts 10
Ang tanging gusto lang sana ni Elie ay pagaanin ang loob ng nasawi sa pag-ibig niyang ate. Subalit, sa napakamalas na kapalaran at mga 'di inaasahang pangyayaring iginawad sa kanya ng tadhana, ay nagising siyang nasa ibang mundo na kung saan mga Aso ng Gubat lamang ang naninirahan. At doon, ay nakilala niya ang maharlikang aso ng gubat na kayang magkatawang tao na ang ngalan ay Eadwulf Silvanus. Pilit man niyang itanggi ay hindi maipagkakailang ubod ng kakisigan ang moreno, mabato ang katawan, at matangkad na binatang aso.
Kyuryusidad ang nagtulak kay Eadwulf na itago sa kanyang hideout ang dalagang nakita niyang walang malay malapit sa border ng lupain ng mga sigbin. Hindi pamilyar ang amoy nito. Mas amoy tao, kaysa aso. Dahil ipinagbabawal ng kanyang nakatatandang kapatid ang pag-apak sa lupain ng mga mortal ay napagdesisyunan niyang alagaan ang may sakit na tao at pag-aralan ito. 'Di nagtagal at ang kyuryusidad ay naging pagka-gusto at humantong sa pagnanasang mapasakanya at ibigin siya ng dalaga. At bilang isang Silvanus ay gagawin niya ang lahat para ibigin siyang tunay ni Evangeline Alvelde.