russell45
Mula sa manunulat na namirata ng mga gawa ni Rizal para votes at reads, inhahatid sa inyo ni russell45 ang isang kuwentong aantig sa inyong mga puso.
Joke. Puro gaguhan lang talaga to.
Sa isang napakalayong paaralan, nakatuon ang ating kuwento sa tatlong magkakaibigang guro sa GS Academy.
Meet Nicole, isang babaeng kahit kailan ay di nauubusan ng hugot sa buhay. Hugot dito, hugot doon, hugot kahit saan. Lesson plan, grades ng estudyante, weekly evaluation reports - aba, pati yung matartar na gilagid ng estudyante nya nagawan nya ng hugot! Ibang klaseng hayop ang babaeng to! Palibhasa, bitter pa rin sa ex nya kahit matagal na sila ng bago nya. Wala daw kasing naging closure.
Eto naman si Karr, isang gurong bihasa sa English. Wala eh. Mula elementary hanggang college daw hayok na hayok daw sa English. Walang makapagsabi kung anong droga ang tinitira nya kaya ang lakas ng tama nya, pero kapag siya na nagtanong tungkol sa English, pati head teacher di makasagot. Akalain mo ba namang one time tinanong nya kung alin sa "s" at "c" ang silent letter sa salitang "scent"?!
Lastly, kilalanin natin si Shiela, ang sweet pero boplaks at flat-chested na miyembro ng grupo. Wala eh. Ganun talaga. Biruin mong lagyan nya ng malamig na tubig yung isang malaking basong naglalaman ng cup noodles?! Mabi-beastmode ka talaga sa katangahan ng boplaks na to.
Sundan ang kanilang mga adventures sa paglupig sa mga masasamang kampon ni Andy Kim, ang may-ari ng school, at subaybayan ang kanilang pakikibaka upang maibalik ang kapayapaan sa boung kalawakan. Time space warp, ngayundin!