yannie855's Reading List
5 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 39,765,157
  • WpVote
    Votes 1,327,778
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Give In To You (GLS#3) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 122,859,753
  • WpVote
    Votes 2,740,682
  • WpPart
    Parts 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pamilya. She would climb mountains and swim vast oceans just for the happiness of her beloved parents and family. Pero minsan, sa sobra sobrang pagmamahal sa ibang tao, nakakaligtaan na ang pagmamahal sa sarili. Is it really worth it? She shouldn't ask right? It's family! But then... how could one person make her doubt her decisions? Is it really worth the sacrifice? To give all of her? To give everything? To give up everything? All for what she's been hoping for since time immemorial?
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,629,164
  • WpVote
    Votes 630
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
My Husband is a Mafia Boss by Yanalovesyouu
Yanalovesyouu
  • WpView
    Reads 218,711,600
  • WpVote
    Votes 4,422,161
  • WpPart
    Parts 68
Si Girl - may pagka-childish, slowpoke, exaggerated mag-isip, accident prone, sweet, mabait, super friendly, hindi nauubusan ng energy, positive thinker pag dating sa mga problema. Si Guy - mature, seryoso, hindi ngumingiti, bossy, masungit, snob, magaling mag-handle ng mga bagay, a perfect decision maker, hindi nakikipag-kaibigan, lahat tinuturing nyang competitors/kaaway. What if magtagpo ang landas nilang dalawa? At magkaroon ng biglaang kasal dahil sa di inaasahang pangyayari? Are they going to prove na total opposite attracts? O maghihiwalay din sila in the end? paano pakikisamahan ni girl ang asawa nyang mafia boss? matagalan kaya ng isang mafia boss ang asawa nyang slow? Let's see..
Taste of Blood (Book I) by KnightInBlack
KnightInBlack
  • WpView
    Reads 15,093,698
  • WpVote
    Votes 636,532
  • WpPart
    Parts 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang isang madugong gabi nang paslangin ng mga nilalang na 'yon ang nag-iisa niyang pamilya--- ang kanyang ina. Paghihinagpis at ang nais na makapag higanti ang nag-udyok sa kanya para isugal ang buhay at pumasok sa mundo ng mga naiibang nilalang. Alam niyang hindi siya kailanman nabibilang sa mga bampira ngunit paano niya malalabanan ang pangungulila na pinunan ng mga ito? Paano kung sa kanila niya naramdaman ang pagmamahal ng pamilya na kailanman ay hindi na niya mararamdaman pa? Handa ba niyang talikuran ang tanging pakay at tanggapin ang pagmamahal ng mga ito o tatalikuran niya ang mga ito at susundin kung ano talaga ang pakay niya?