Bol_Ang
Ang lipunang ating kinabibilangan ay tahanan din ng mga nilalang na inaakala nating likha lamang ng ating imahinasyon. Mga nilalang mula sa pamahiin, kwentong bayan, at sabi-sabi, sila rin ay may iba't-ibang layunin sa mundong ating ginagalawan. Ngunit sila ba ay parte ng sistemang ating pinapasan o ang ating matagal na minimithing sagot sa ating mga suliranin? Ating tunghayan ang magulo, madumi, at nakakapagbagbag damdaming istorya ng mga nilalang na ito habang tinatahak ang maligalig na lipunan ng Pilipinas.