Metamorphosis Trilogy
3 stories
BREAKING CHAINS (Metamorphosis Trilogy #3) by ras_wecken
ras_wecken
  • WpView
    Reads 501
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 69
Lahat ng bagay na nasimulan ay may katapusan. Nagsimula ang kasaysayan ng Villa Tokugawa kay Yukimura Tokugawa, isang lalaking walang ibang hangad kundi ang makatulong sa ilang kabataan na tuparin ang kanilang mga pangarap. Sa pag-abot nila ng kani-kanilang mga pangarap, sa pagtungo nila sa kani-kanilang landas, isang mahabang kadena ang nagkabuhol-buhol, mga kadenang nagdudugtong sa dugo ng mga Tokugawa, Khonig, de Jesus, Walsh at Medrano. Marami ang nagbuwis ng buhay para makamtan ang tunay na kasiyahan, ang tunay na kapayapaan sa mga pamilyang nangangalaga sa Villa Tokugawa. Mas marami pang kadena ang bumuhol sa mahabang kadena. Paano nga ba wawakasan ang mahabang kasaysayan ng Villa Tokugawa? Sino nga ba at paano magkakalas-kalas ang mga kadenang nagkabuhol-buhol? Kaninong buhay ang dapat isakripisyo muli para tuluyan nang maputol ang kadenang nagkabuhol-buhol? BREAKING CHAINS: THE FINAL TIMELINE Original Entry Date: June 13, 2021 Original End Date: January 18, 2022
ECLOSION (Metamorphosis Trilogy #2) by ras_wecken
ras_wecken
  • WpView
    Reads 2,197
  • WpVote
    Votes 160
  • WpPart
    Parts 127
Si Jayesa ang bunso sa dalawang bunga ng pagmamahalan ng dalawang artistang nagtagpo sa kompetisyon na tinatawag na HTS. Dahil sa pangalan at angking talentong nananalaytay na yata sa dugo ng pamilyang pinanggalingan niya ay hindi na nakakapagtakang papasukin niya rin ang industriyang ito. Naging madali sa kanya ang makapasok dahil suportado siya ng kanyang mga magulang pero paano kung isang aksidente ang yayanig sa tahimik na pamumuhay ng pamilya? Ano ang kaya mong ibigay manatili lang sa pangarap na iniingatan? Anong kaya mong ibigay para sa pag-ibig na iniingatan mo? Original Entry Date: November 14, 2020 Original End Date: June 25, 2021
THE SOUND OF THE BROKEN HEARTS (Metamorphosis Trilogy #1) by ras_wecken
ras_wecken
  • WpView
    Reads 7,579
  • WpVote
    Votes 274
  • WpPart
    Parts 161
Kailan mo masasabing tama na at kailangan mo na sukuan ang isang pangarap na iningatan mo ng ilang taon? Ako si Jayda Paula Samaniego. Bata pa lang ako ay gusto ko na maging stage performer, maging artista sa madaling salita. Nagsimula 'yun lahat sa papuri ng isang estrangherong may pamilyar na mukha sa'kin. Hindi ko na matandaan ang pangalan niya basta mabait siya at tunog anime ang pangalan niya. Sa kabila ng pagsusumikap ko na matupad ang pangarap ko, maraming naging hadlang dito. Isa na nga sa mga ito ang ina ko na ang tanging gusto ko lang naman ay mapasaya. Paano? Ano? Ano ang pipiliin ko? Ang pangarap ko bang itinanim ng isang estranghero? O ang ina ko? Original date of entry: November 14, 2019 Original date of completion: April 12, 2020