chimmykimtaelyn
"sabi sa akin ng lola ko noon, na kapag mahal mo hindi mo iiwan, pero hindi ko alam kung sa bawat pag kakataon ba ay pwede yon.
"nakalimutan kong itanong sa lola ko.
papaano kapag alam mong nahihirapan na siya.
kailangan pa bang mag stay at lumaban kayong dalawa, o ibitaw nalang lahat pati ang mga magagandang ala alang binuo ninyong dalawa.
" sa mundo ang pinaka mahirap gawin ay ang makahanap nang totoong taong tatanggap at mag mamahal at susuporta sayo.
mahirap humanap ng taong hindi ka iiwanan.
pero, paano kapag nahanap mo na yung taong yon, at pagkatapos bigla siyang maglaho?
"kailangan bang magpanggap na okay ka lang para hindi niya malaman na hirap ka na?
papaano kapag ngayon ay mawala siya at sa susunod ay magkita kayong muli?
sa tingin mo ba ay makikilala ka pa niya?
" oo aaminin ko hindi na niya ako makikilala, pero ipaaalala ko sa kanya ang friendship naming dalawa.
hihintayin ko lang yung araw na magkita kaming muli.
hihintayin ko yung araw na magiging mag kasama kaming muli.
kahit alam kong ang mga pangyayaring yon ay magsasaglit lamang.