HISTORICAL FICTION-TIME TRAVEL
183 stories
A GOVERNOR'S OBSESSION  by _aitating_
_aitating_
  • WpView
    Reads 1,511
  • WpVote
    Votes 88
  • WpPart
    Parts 60
Si Isabella ay isang simpleng dalaga na napilitang makipagkontrata sa makapangyarihan at autoritaryan (authoritarian) na Gobernador-Heneral Don Rafael. Ang kontratang ito ay hindi lamang tungkol sa pera; ito ay tungkol sa ganap na dominasyon (dominación total) at posesiyon (posesión). Sa loob ng Palasyo, si Isabella ay nabuhay sa gitna ng walang-awang pag-angkin (posesión sin piedad) ni Rafael at sa matinding galit (rabia intensa) ng nobya nitong si Doña Camila. Nang gamitin ni Camila ang pamilya ni Isabella para pilitin (forzar) itong umalis, nakatakas siya, ngunit nagising niya ang hayop (animal) sa puso ni Rafael. Ngayon, ang buong bansa ay naging paliguan ng dugo sa paghahanap (búsqueda) ni Raphael sa kanyang pag-aari. Si Isabella ay nagtago sa malayong hacienda ng pinsan ni Camila, naghihintay (esperando) sa araw na mahuli (atrapada) siya ng kanyang nakaraan (pasado).
Segunda by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,413,770
  • WpVote
    Votes 41,493
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
When Present Meets The Past(COMPLETED) by Imfallenstar
Imfallenstar
  • WpView
    Reads 18,876
  • WpVote
    Votes 771
  • WpPart
    Parts 29
ENCHANTED BOOK SERIES No.2 Philippines Historical Fiction Fantasy, Romance By Señora Starla "Kung maaaring humiling, sana sa mga susunod na kabilugan ng buwan, sa susunod na pagbukas ng libro at paglipat ng mga pahina hangad naming sana ay muli tayong magsama-sama." ____ Sa pagsapit ng gabi, sa kabilugan ng pulang buwan, ang mahiwagang libro'y muling nabuksan. Apat na binibini ng Kasalukuyan, at apat na binata ng Nakaraan. Sa panahon pa kung saan mahigpit ang pagdidisiplina ng mga magulang, kung saan ang mga dalaga'y lubos na mahinhin sa kilos at kasuotan, at mga binatang kumikilos bilang isang maginoo at huwaran, at kung saan nabubuhay ang mga tulad nila Maria Clara at Crisostomo Ibarra. PS: Kung 'di mo pa nababasa ang SAVING THE ANTAGONIST PRINCE (EB Series #1) ayos lamang at ituloy mo na ang pagbabasa nito, ngunit kung ikaw ay interesado sa una malaya mong basahin iyon. Labis ko po iyong ikatutuwa, Gracias! Photo is not mine, CTTO!
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!) by Imfallenstar
Imfallenstar
  • WpView
    Reads 182,313
  • WpVote
    Votes 6,292
  • WpPart
    Parts 41
Enchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pag-ibig. _____ Plagiarism is a Crime Photo is not mine! CTTO!
Stone In the Sand (1898) by Pormecaso26
Pormecaso26
  • WpView
    Reads 47,728
  • WpVote
    Votes 2,517
  • WpPart
    Parts 36
Completed | Gregorio Del Pilar's Fanfiction Si Remedios Santos ay isang babaeng mahilig sa mga makalumang mga bagay at lugar. Minsan pa'y natalakay nila ang huling pag-ibig ng pinakabatang heneral na si Gregorio Del Pilar, the so-called playboy of the history. Sinabing si Dolores Nable Jose ang huling pag-ibig nito, ngunit mabago kaya ito kasabay ng pagbalik ni Remedios sa nakaraan? Mapaibig at mabago niya kaya ang manggogoyong si Goyo? Isa lamang bang panaginip o isang katotohanang hindi na muling mababalikan pa? AWARDS : 🏆 The Callalily Awards 2020 winner (August) 🏆 Tha Callalily Awards 2020 champion (FanFiction) Date Started : May 07, 2020 Date Finished : July 25, 2020
Somewhere In My Past (Under Editing And Revising) by rxyngledyanaher
rxyngledyanaher
  • WpView
    Reads 5,591
  • WpVote
    Votes 271
  • WpPart
    Parts 20
Si Isabel Dela Cruz ay anak ng pinakamayamang at pinakamaimpluwensyang pamilya sa San Teodoro, sanay ito sa buhay na marangya. Sa isang iglap, ang buhay ni Isabel sa taong 1888 ay magiging buhay na din ni Isabel Alejandra Dela Cruz, kasama ang kanyang matalik na kaibigan-si Cassandra Thea Teodoro, ang anak ng pinakamakapangyarihang Gobernadorcillo. Isang lihim na hindi pa nila nauunawaan ang magdadala sa kanila sa taong 1888-isang panahong hindi nila inakalang magiging bahagi sila. Ngunit kaya ba nilang harapin ang katotohanang maaaring baguhin ng kanilang pagdating ang takbo ng kasaysayan? Ano ang kanilang misyon sa nakaraan? At higit sa lahat... may paraan pa kaya upang sila'y makabalik sa mundo na kanilang iniwan, o magiging bahagi na sila ng isang kwentong hindi nila inakala? Date written: January 6 2022 Date finished: February 21 2024 [Complete]
Ang lalaki sa larawan by spicyybleau
spicyybleau
  • WpView
    Reads 5,760
  • WpVote
    Votes 3,433
  • WpPart
    Parts 45
paano kung ang lalaking nagpapagaan sa loob mo ay sya ring lalaking magpapasakit ng ka atay-atay mo? charot! pero, paano nga ba kung pinaglaruan kayo ng tadhana? na akala mo ay sya na ang lalaking panghabang buhay-- ang lalaking sinasabi nilang 'unexpexted' mo mang nakita eh, mamahalin mo at mamahalin ka hanggang dulo? tapos may bonus pang happy ending? paano kapag ang lalaking 'iginuhit' ng ama mo ay sya ring napunta sa'yo-- munit sa ganda ng ngiti nito at ganda ng ugali-- meron pala itong pinakatatagong sikreto na magpapa-balik ng sakit na pilit mong kinakalimutan? hayts! puro 'pano' at puro 'pero', but, ganon naman ang buhay hindi ba- puro tanong at pagkatapos kapag nahanap na ang sagot ay mag tatake- time pa para makapag isip isip-- nag oover time tuloy ang utak! charot ulit! pero lahat ng pinagdaanan natin, ang tadhana naman sa bandang huli ang magdedesisyon. Dahil kahit pilitin man natin, sa huli. Ang mapaglarong tadhana pa rin ang mag wawagi.. Mapaglarong tadhanang 'to, Once na makita ko s'ya talagang hihingi ako ng isang daang rason kung bakit pilit nyang pinaglalayo ang magjowa! haynako nakaka stress!
Una't Huling Pagibig by itsmetrixiamhey
itsmetrixiamhey
  • WpView
    Reads 56,224
  • WpVote
    Votes 1,209
  • WpPart
    Parts 32
Highest Rank: #19 in Historical Fiction (04/09/18) #1 in Kasaysayan #7 in History #1 in History(08/12/19) #5 philippines (10/16/21) Paano kung ang isang babae mula sa hinaharap ay napunta sa nakaraan ng di nya namamalayan? Ano kaya ang mangyayari sakanya? Paano kaya siya makakabalik sa hinaharap? Pero, paano k.ung umibig na pala sya sa isang lalaking nasa nakaraan? Basahin ang Una't Huling Pagibig Started: November 10, 2017
Changing Fate (Trapped in time) by kibbylou
kibbylou
  • WpView
    Reads 11,448
  • WpVote
    Votes 281
  • WpPart
    Parts 60
Sabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula ang iyong nakaraan na siyang daan pala upang iyong matuklasan ang buong katotohanan. Samahan natin ang paglalakbay ng isang babaeng ipinanganak sa makabagong henerasyon na siyang maglalakbay sa sinaunang panahon. _______________________ DATE STARTED: FEBRUARY, 14, 2021 DATE FINISHED: JUNE 14,2022 WRITTEN BY: kibbylou ALL RIGHTS RESERVED
El Gobernador General De Mi Corazón by MariaEljey
MariaEljey
  • WpView
    Reads 2,008,083
  • WpVote
    Votes 92,781
  • WpPart
    Parts 72
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tuluyan sa pamilya ay hindi naman niya inasahang makikilala ang mga taong may kanya-kanyang dinadalang pighati sa kani-kanilang puso ang magpapagulo at magpapasakit nang bonggang-bongga sa kanyang ulo. Maghihilom pa ba ang mga pusong minarkahan ng pagkamuhi at hinanakit? May pag-asa pa nga bang muling mabuo ang mga nagkapira-pirasong pagsasama na winasak ng salapi, kapangyarihan, pag-ibig, at mga ibinaong lihim? Samahan si Choleng na tuklasin ang katotohanan sa kanyang paglalakbay pabalik sa nakaraan. Alin nga ba ang dapat niyang paniwalaan? Ang banta ng kanyang pangitain? O, ang banta ng nagbabalat-kayong katotohanan? Simulan: July 16, 2017 Tinapos: October 29, 2020 #1 in Historical Fiction 05/10/2018 #1 in Classics 05/18/2018 #1 in Mystery 08/06/2022 Wattpad's Talk of the Town 03/01/2022 Current Book Cover: Binibining RaichiMirae Previous Cover: Binibining thiszyourclover