Lestyrs
"If Loving you is wrong, then I don't wanna be right."
Si Theo, isang tahimik at mapagmasid na college student sa kursong Fine Arts, ay naniniwalang ang pag-ibig ay isang bagay na hindi dapat ipilit. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang mundo nang makilala niya si Jax, isang transfer student mula sa probinsya na may layuning maging nurse at may kakaibang tapang sa pagsunod sa kanyang damdamin.
Unang nagtagpo ang dalawa sa isang outreach program kung saan pinapakitang malasakit ni Jax ang kanyang puso para sa iba. Sa umpisa'y laging bumabangga ang kanilang personalidad-si Theo ay laging may tanong sa lahat, habang si Jax ay laging may sagot na may ngiti. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, napapansin ni Theo kung paano bumabago ang tibok ng kanyang puso.
Habang unti-unting nahuhulog ang loob nila sa isa't isa, hindi naging madali ang lahat. Kinailangan nilang harapin ang mga matang mapanghusga, ang takot na baka mawalan ng suporta sa pamilya, at ang tanong kung sapat ba ang "I love you" kung araw-araw mong kailangang ipaglaban ito.
Hanggang kailan kayang panindigan ang pagmamahalan kung ang mundo mismo ang humahadlang?