mrpwriter
Mula pagkabata, si Elizabeth Escueta ay nabuhay sa dilim.
Walang magulang, walang kamag-anak, walang kaibigang masasandalan. Sanay na siya sa mga mapanuring mata at bulung-bulungan-isang ulila, kakaiba, at higit sa lahat... bulag. Sa kanya, tanging kadiliman ang tanaw, at tungkod lamang ang gabay sa bawat hakbang.
Ngunit isang araw, nagsimulang mabasag ang katahimikan ng kanyang mundo.
Nakakita siya-hindi sa paraang nakikita ng iba, kundi sa pamamagitan ng mga kakaibang bisyon na dumarating nang hindi inaasahan.
At nang tumuntong si Iza sa Filípe Hall Academy, nagsimulang mabuksan ang pinto sa mga lihim na mas mabuting nanatili na lang sa anino. Sa bawat pagdaloy ng kapangyarihang hindi niya lubos maunawaan, may mga nilalang at pangyayaring unti-unting nagigising sa dilim.
Ngayon, isang tanong ang patuloy na bumabalot sa kanya:
Ano ang tunay na nagkukubli sa mga anino?