'One World Empire' Series 🇵🇭⚔
2 stories
Dark Sense (Filipino Crime-Thriller Novel) by TheRealJodeFela
TheRealJodeFela
  • WpView
    Reads 1,003
  • WpVote
    Votes 204
  • WpPart
    Parts 27
A NOVEL FROM THE 'ONE WORLD EMPIRE' SERIES Bilang isang reporter at journalist, buong buhay ni Gregoria ay kanyang inalay sa paghahatid ng impormasyon at mga tunay na nagaganap sa bansa. Ngunit ng dahil sa nangyaring sunog sa Central Manila Jail at pagpapasabog sa Manila Capitol, nabago ang lahat sa buhay niya. Ito rin ang naging dahilan kung bakit siya natanggal sa kanyang propesyon. Nawala man ang iniingatang trabaho ni Gregoria, hindi siya tumigil sa pag-alam sa katotohanan at nagpatuloy sa kanyang pagbuo sa pinakamalaki at kontrobersyal na conspiracy theory sa kanyang panahon. Sa paghahanap ng mga sagot, makakatagpo si Gregoria ng hindi inaasahang kakampi na tutulong sa kanya.
Inocencia (Filipino Sci-Fi Novel) by TheRealJodeFela
TheRealJodeFela
  • WpView
    Reads 11,542
  • WpVote
    Votes 629
  • WpPart
    Parts 31
WATTYS 2021 WINNER The 1st Novel from the 'One World Empire' Series "Bakit kung sino pa ang siyang tunay na nagmamahal sa bayan, siya pa ang nililitis sa ilalim ng hindi makatarungang hustiya." Ang mga salitang ito ang tumatak sa isip ni Ino sa panahong bago mapatay ang kanyang itinuturing na ama na si Padre Inocencio taong 1893. Dahil sa pagkakapatay mula sa hindi makataong paglilitis ng mga Espanyol sa kanyang pinakamamahal na ama, bumuo ng sikretong samahan si Inocencia o Ino. Sa hindi inaasahan, napatay si Ino ng mga sundalo ni Aguinaldo matapos harangin ang pag-aresto kay Andres Bonifacio noong April 26, 1897. Pero matapos ang daang taon, muling nabuhay ang pagiging makabayan ni Ino nang magising siya sa isang lugar na minsan na niyang napuntahan - ang Intramuros. Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata, nakita ni Ino na nasa ibang panahon siya, 2993, at ang tanging naiwang alaala lang ay ang pagkamatay ng kanyang ama na si Padre Inocencio. Nabuhay muli si Ino para ipaglaban ang tama at kung muli man siyang mamamatay, muli rin siyang bubuhayin ng isang Secret Society na kinabibilangan ng mga scientist at dating mandirigma ng Pilipinas. Sino nga ba sila at ano ang kanilang layunin? (UNEDITED VERSION)