Romantic Destruction
missyna17
"Bitawan mo ako, Carter! Please...nasasaktan ako," she cried.
"Narinig mo ako, Noelle. Sa akin ka lang, naiintindihan mo? AKIN!" he shouted at her. Mas lalong humigpit ang pagkakakapit ni Carter sa kamay ni Noelle.
"Hindi kita maintindihan. Kinausap ko lang naman yung lalaki na iyon dahil nangailangan ako ng tulong. Samantalang ikaw Carter, ang dami mong mga babae na inuuwi dito. Wala akong puwang sa buhay mo. Tanggap ko sa sarili ko na hindi mo ako mahal gaya ng pagmamahal na ginawa ko para sa iyo," she fought back. Higit kailanman ay alam niya kung gaano kasakit makita ang lalaki na nasa harapan niya ngayon na kasama ang iba't ibang babae buong magdamag. Ni hindi niya nga ito makita sa paggising niya hanggang sa siya ay makatulog sa kahihintay.
"Mas mabuti pa siguro na hindi na lang ako sumama sa iyo at hindi iniwan si Patrick," sambit ni Noelle sabay pagtalikod nito kay Carter. Hindi niya alintana ang pagdilim ng mga mata nito at pagtiim ng mukha.
"You're dead wrong for saying that in front of me, Emmanuelle."
She felt herself shivering. Alam niya kapag ginamit nito ang buong pangalan niya ay ibang panganib ang umuusbong sa anyo nito. Dahan-dahan siyang humarap muli sa lalaki na nakapikit ang mga mata. Munting mga hikbi ang nilalabas niya mula sa kanyang mga bibig dahil hindi niya nais na magkaroon ng kasunod sa tagpuan nila na iyon.
"Shhh... there, there. Sabi ko kasi sa iyo huwag mo akong suwayin. Alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin, Emmanuelle. Tara, let's go to my room," iyon na lamang ang nasambit ni Carter sa kanya habang nakayakap at hinahaplos ang kanyang ulo at likod.
Unbeknownst to her that he has been gradually dragging her inside his room, slowly closing the door for another night of romantic destruction.