Mula sa Korte Mitolamahia
trizena
Ang banal na kapangyarihan at mahika ay muling mabubuhay sa Edad ng Muling Kaliwanagan.
Sa modernong panahon ay may apat na sangay ng pamahalaan: ang ehekutibo, lehislatibo, hudikatura, at eternatura. Sa bagong administrasyon, ang konstitusyon ng republika ay nabago a ang bagong halal na presidente ay nagtatag ng bagong sangay na pamahalaan sa Edad ng Muling Kaliwangan. Nag-atas siya ng isang Punong Lamahiastrado at sa hakbang na ito nagsimula ang paghahanap ng mga Pilipinong nagtataglay ng pamanang banal na dugo at kapangyarihan.
Mitolamahia, ang marka ng bago at huling paghatol.