mariangmargaret
Minsan sa bawat dekada, nagtitipon ang labindalawang tribo ng Val Hara.
O ang mga natitira sa kanila.
Sa pagtatapos ng Hirangin, itinatalaga ang mga Datu, inihahalal ang Raja, at napagpapasyahan kung ang susunod na sampung taon ay magiging panahon ng kapayapaan... o digmaan.
"Ang pagbabago ay ginagawa, hindi hinihintay." -- Freja De Doce, Huling Tribo Doce, Traydor ng Karahanan--at sa kasaysayan--Raja ng Val Hara.