Pages of Traces
6 stories
The Book Keeper (Completed) by sexylove_yumi
sexylove_yumi
  • WpView
    Reads 204,088
  • WpVote
    Votes 8,676
  • WpPart
    Parts 34
Paano ko lalabanan ang fate kung hindi naman ako kasama sa tadhanan niya? How can I unlove him? How? Paano? How to chase your dream kung nakasulat na ang ending at wala kang magawa kung hindi panoorin ang kanyang pagkawala? Paano? Kung malalaman mong hindi ka dapat kasali sa kwento... Na isa ka lang dapat na extra sa buhay niya pero gusto mong maging leading lady nya. Paano ko siya sasagipin? Kung nabasa ko ang ending niya at sa tuwing makikita ko siya gusto kong pigilan ang tadhana na kuhanin siya sa akin? May magagawa ba ako? Pwede ko bang lagyan ng NOT THE END kung THE END na ang nakalagay sa pahina? Malalabanan ko ba ang kamatayan gamit ang pluma? Mamahalin niya ba ako kung mabubuhay siya? O magmamahal siya ng iba?
The Book Maker by sexylove_yumi
sexylove_yumi
  • WpView
    Reads 87,944
  • WpVote
    Votes 6,034
  • WpPart
    Parts 31
Isa akong manggagaway na nakakulong sa isang libro. Isang kaparusahan na hindi ko dapat sinapit ngunit ipinataw sa akin. Hindi ko sukat akalain na ang tanging babae na aking iniibig ang siyang maglalagay sa akin sa kapahamakan. Kapalit ng kanyang kapangahasan ay ang aking kapangyarihan. Kaya isinumpa ko na babalik ako at sa aking pagbalik, matitikman niya ang ganti ng isang manggagaway.
The Book of Death by sexylove_yumi
sexylove_yumi
  • WpView
    Reads 126,966
  • WpVote
    Votes 8,860
  • WpPart
    Parts 41
SIDAPA- isang diyos na limot ng mga tao ngunit naglalakad pa rin sa ibabaw ng mundo. Taga-sundo- iyan ang madalas na itawag sa kanya. Tagahatid sa kabilang mundo. Taga-kuha ng espirito. Taga-habol sa mga dapat ng tumawid na nananatili sa mundo. Minsan siyang nagmahal, ngunit dahil siya ang kamatayan, lahat ng kanyang naisin ay nawawala rin sa huli... hanggang sa dumating siya isang araw. Sa digmaang nagaganap na lingid sa kaalaman ng mga tao, kailangang mamili ng balanse ng mundo. Ang diyos ng kamatayan ang maghuhudyat ng simula, ayon sa alamat. Kanino papanig ang diyos ng kamatayan? Kung ang buhay ng huling minamahal ang nakataya sa gitna?
The Book of Goddess by sexylove_yumi
sexylove_yumi
  • WpView
    Reads 38,558
  • WpVote
    Votes 3,235
  • WpPart
    Parts 26
IKA-LIMANG AKLAT Ano ba ang alam ng mga tao sa amin? Bukod sa amin pangalan na kakaunti ang nakakaalam ay hindi wala na yatang nakakaalala sa mga ginawa para sa kanila. Kasabay ng pagkalimot ng tao ay ang pagkalimot ko sa aking puso- sa aking nag-iisang puso. Gaya ng kwento ko, limot na rin ang pangalan ni Mayari at Hanan. Limot na ang Libro ng mga Dyosa. Sa paghahanap namin kay Bathala ay muling nagkita ang landas namin ni Soliman. Sa tinagal ng panahon na hinihintay ko ang araw na ito, may magagawa pa ba ang salitang patawad?
The Book of Myths by sexylove_yumi
sexylove_yumi
  • WpView
    Reads 48,617
  • WpVote
    Votes 4,192
  • WpPart
    Parts 31
Ika-apat na aklat. Hindi makapaniwala si Jake sa kanyang pinagmulan. Mula nang tulungan niya si Carol na sagipin si Zandro, hindi na niya muling naalis sa kanyang isipan na galing siya sa masamang angkan. Sa likod ng kanyang isipan, naroon ang agam-agam na isang araw, gagawa siya ng masama at hindi na niya maitatama iyon. Si Anya ay isang simpleng mag-aaral noon nang makita niya si Jake at Zandro. Minabuti niyang manatiling hindi nakikita ng kahit na sino. Sa ganitong paraan ay maitatago niya ang umusbong napaghanga kay Jake. Hindi niya rin maiwasang hindi mailang dahil sa pagiging kakaiba ng pinaniniwalaan- na tayong mga tao ay hindi nag-iisa sa mundo. Kaya mula sa tanaw ay minahal niya si Jake hanggang makilala siya nito. At ang pagtatago ay naging mahirap para kay Anya. Mula sa pagiging anak ni Sitan hanggang sa pagiging tagapagligtas, hanggang saan ang susuungin ni Jake para mailigtas ang isang babae na naging ilaw niya sa mga oras na wala siyang makitang liwanag?
The Book of the Lost Love by sexylove_yumi
sexylove_yumi
  • WpView
    Reads 48,532
  • WpVote
    Votes 4,527
  • WpPart
    Parts 46
Ang pakikipagpaligsahan ng mga tao sa alon ay nakakabilib kung minsan. Hindi nila tinitigilan ang paghahanap ng tatalo sa akin, ilang libong taon man ang dumaan. Ngunit ang galit ko sa lahi nila, magdaan man ang maraming taon ay hindi mabubura. Sa paghaharap namin ng nakaraan, matutuldukan na ba ang sugat ng panahon? Sab inga ng isang mapahangas na taga-bantay, 'Pinagtagpo lang kayo ngunit hindi kayo itinadhana'.