MaryJaneAmarante's Reading List
182 stories
Runaway #2: The Runaway Bride (COMPLETED) by theservantqueen
theservantqueen
  • WpView
    Reads 3,312,168
  • WpVote
    Votes 97,531
  • WpPart
    Parts 44
Runaway Series 2
Class Pictures Series 1 - My Lover, My Best Friend by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 171,796
  • WpVote
    Votes 4,813
  • WpPart
    Parts 32
Mula noon hanggang ngayon, palagi nang nagsisilbing anghel sa buhay niya si Amor. At hindi niya inakalang sa kabila ng mga taong lumipas ay makakagawa pa rin ito ng bagay na maglalayo sa kanya sa kapahamakan. Nakipagkita si Amor kay Joel para magpatulong sa binabalak niyang class reunion para sa batch nila noong high school. Pero may hihingin din pala itong pabor sa kanya. Humingi si Joel ng tulong para maitaboy ang babaeng habol nang habol dito. Well, she could do that. Basta ba tutulungan siya nitong ayusin ang reunion nila. Pero imbes na ang reunion ang asikasuhin nila, nauwi iyon sa komplikadong sitwasyon. Sa pagtataboy nila sa babaeng ayaw tantanan si Joel ay nahuli sila ng pamilya nila sa isang napaka-intimate na sitwasyon. At buong bayan yata ang nakaalam niyon! Siguradong kapag kinompronta sila ng kanya-kanyang pamilya, isa-suggest ng mga ito na magpakasal sila. Ano ang gagawin nila? Magagawa ba ni Amor na tumangging magpakasal kay Joel? After all, she had been loving him all her life.
Class Picture Series 2 - My Secret Crush and Fantasy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 96,191
  • WpVote
    Votes 3,215
  • WpPart
    Parts 27
Pagkatapos ng graduation sa high school ay nagkahiwa-hiwalay sina Fatima Mae at ang kanyang mga kaklase. Wala na siyang balita sa mga ito. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makasabay niya sa eroplano si Alejo Sampana. Hindi kailanman niya maaaring makalimutan ito. He had been, after all, an inspiration in her life. At sa muling pagkikita nila, natanto niya na gaano man katagal ang panahong lumipas ay nanatiling nakadambana ito sa kanyang puso. Ngunit tila may mabigat na dinadala ito sa dibdib. Nakikita niya iyon sa malungkot na mga mata nito. Maybe she could do something to erase that pain... with all the love she had for him...
Class Pictures Series 3 - High School Flame by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 58,377
  • WpVote
    Votes 1,900
  • WpPart
    Parts 16
"Masisisi mo ba ako kung ngayong nagkita uli tayo, ayoko nang maghintay pa ng matagal na panahon para tuluyan ka nang maging akin?" Walang hindi nakakaalam sa pagmamahalan nina Joanna Marie at Lemuel noong high school. Pero dahil sa mga hindi nila kontroladong pangyayari ay nagkahiwalay sila. Sa loob ng mahigit isang dekada, hindi alam ni Joanna Marie kung naaalala pa rin ba siya ni Lemuel kahit paano. Dahil kung siya ang tatanungin, hindi nakalimot ang puso niya. Patuloy niya itong minamahal. At ngayong dumating ang pagkakataon na muli silang magkakaharap, madudugtungan kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari noon?
Class Picture Series 5 - Finding Treasure... Finding Love by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 6,037
  • WpVote
    Votes 101
  • WpPart
    Parts 18
Kasabay ng pagbabakasyon ni Elisa, sinubukan din niyang puntahan ang lugar na ayon sa journal ng kanyang lolo ay may nakatagong kayamanan. At sa lugar na iyon, nakilala niya si Art, ang tumulong nang bigla siyang mawalan ng malay sa daan. Dinala siya ng lalaki sa villa na pag-aari ng pamilya nito. Nakalimutan bigla ni Elisa ang pakay sa lugar na iyon. Na-focus ang atensiyon niya sa binata at sa bawat paglipas ng araw ay lalo silang nagkakalapit. Ni hindi nito inilihim ang pagkakagusto sa kanya. Masaya si Elisa na kasama si Art. Sa maikling panahon ay natutuhan niya itong mahalin. Pero hindi siya sigurado kung ganoon din ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya, lalo at nalaman niyang kagagaling lang nito sa isang failed relationship. At iyon ang nagpapagulo sa kanyang isip.
Class Pictures Series 7 - Forever And Always by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 16,101
  • WpVote
    Votes 505
  • WpPart
    Parts 22
"Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduation nina Princess Grace at Lyndon, napilitan silang sumang-ayon na lang sa kanilang mga magulang nang magdesisyon ang mga ito na ipakasal sila. Sure she loved Lyndon. And she had always dreamt of sharing the rest of her life with him. Pero pareho nilang alam na napakabata pa nila para mag-asawa. At pareho rin silang may mga pangarap na gusto pang tuparin. Nahiling ni Princess Grace na sana sa pagdaan ng panahon ay makayanan ng pag-ibig nila ni Lyndon sa isa't isa ang lahat ng pagsubok na alam niyang haharapin pa nila...
Sometimes You Just Know - Volume 4 by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 51,990
  • WpVote
    Votes 2,595
  • WpPart
    Parts 54
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa ibalik nito ang paningin sa kanyang mukha. She was shivering. A delicious kind of shiver that made her knees go weak. "Queenie, we have established a passionate tension between us. We never know what will happen next," kaswal ang tonong sabi nito. Passionate tension, by golly! Napailing siya. He had chosen a delicate term at parang gusto niyang tawanan na lamang iyon. But he was serious. "Queenie, kung wala namang mabigat na dahilan ang pagpunta mo rito, I'd like you to go. Hindi dahil itinataboy kita kung hindi dahil sa sitwasyon nating dalawa. You are just a door away." "So...?" Kumunot ang noo nito, halatang napikon sa sinabi niya. "You know what will happen next. You see this?" Itinaas nito ang isang kamay; ang hintuturo at hinlalaki ay halos magkadikit. Bahagyang-bahagya lamang ang awang sa pagitan ng mga daliri. "I'm this close to taking you!" "So, bakit hindi mo ginawa?" hamon niya. "Queenie!" anito sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin. "Sinusubukan mo ba ako?" ***** Katrina was a wedding gown designer. Wala pa man sa isip niya ang pag-aasawa pero may dinesenyo na siya para sa sarili na kino-consider niyang perfect wedding gown. Just for her, take note. At dahil tuwang-tuwa sa sarili niyang design at hindi naman siya naniniwala sa pamahiin, isnukat niya iyon. Habang suot niya ang traje de boda ay may isang makisig na lalaking walang abog na pumasok sa kanyang opisina. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa pala siya nito pinagmamasdan habang kandahirap siyang sa pag-aabot ng zipper sa likod ng gown. "Let me help you..." At bago pa man siya makakibo at naramdaman naniya ang pagdaiti ng daliri nito sa kanyang likuran. It was Jude.
Places & Souvenirs - Ilocos Trilogy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 25,168
  • WpVote
    Votes 1,532
  • WpPart
    Parts 42
Book 1 - Cherilu - Something New In My Life Book 2 - Sandra - Tomorrow You'll Be Mine Book 3 - Jessica - No Flirtation, No Motives
Places and Souvenirs - BORACAY 1 - Perfect Chance by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 27,671
  • WpVote
    Votes 1,298
  • WpPart
    Parts 20
Matigas na matigas ang leeg ni Avery para lingunin si Jake, ang lalaking sinasabi ni Maia na makaka-partner niya sa trabaho. May feature assignment siya sa Boracay at ang lalaki ang underwater photographer na kinontrata ni Maia. Late ang lalaki sa usapan, bagay na nagpapangit ng impresyon niya dito. Lumapit muna siya, sabi pa niya sa sarili habang nakaismid. I don't like your name. I don't like all Jake in this world! Para sa kanya ay tila isang multong gumagambala sa kanya ang pangalang iyon. Subalit sa likod ng isip niya ay malakas ang ahon ng kuryusidad na tingnan ang lalaki. His voice was somewhat familiar. Tumikhim si Maia. "Avery, I'd like you to meet Jake." Gayunman ay taas pa rin ang mga kilay niya nang dahan-dahang lumingon. Sa isang sandaling simbilis ng kisap-mata ay kagyat na napalitan ng pagkabigla ang mataray na ekspresyon niya. Tila tumigil ang inog nang mundo nang magtagpo ang mga mata nila ng lalaki. Jake? Jake Maravilla! Ang lalaking mismong dahilan kung bakit hindi siya kumportable sa pangalang Jake...
Places & Souvenirs - BORACAY 2 - Not Just Another Brief Summer Affair by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 19,690
  • WpVote
    Votes 926
  • WpPart
    Parts 16
"Palagi na lang ba tayong ganito? Na pagkatapos ng ilang araw na pagsasama ay magkakahiwalay uli ng landas? Kailan tayo uli magkikita? After another six years? Don't you want a long, lasting affair?" Hindi lamang basta espesyal ang unang pagkakataong makarating ni Rachel sa ibang bansa. Sa Hong Kong, doon niya natagpuan ang lalaking nakapagpaibig sa inosente niyang puso. Wala siyang pakialam kung ilang araw pa lamang niyang kakilala si Andrew. She was in love with him. At tila wala nang iba pang mahalaga maliban doon. That was six years ago. Ngayon sa isang feature assignment niya sa isla ng Boracay, wala sa hinagap niyang makakatagpo niyang muli roon si Andrew. At sa pagkabigla niya at pagtataka, tila ito pa ang may ganang magalit sa kanya gayong sa sarili niya ay alam niyang siya ang nasaktan noong nakaraan. Why? At bukod sa tanong na iyon na gumugulo sa isipan niya ay ang realisasyong hindi napagbago ng nakalipas na anim na taon ang pag-ibig niya rito. Maybe she could let herself fall in love with him. Again.