Recommended
4 stories
The Naughty Lady of San Nicolas by AshantiEverly
AshantiEverly
  • WpView
    Reads 2,119
  • WpVote
    Votes 88
  • WpPart
    Parts 14
Mabait si Quene. Alam na alam niya ang bagay na iyon at walang kokontra. Sa katunayan, sa sobrang bait niya (isali na rin ang pagiging maganda, maraming salamat sa inyong lahat!), sinamahan niya si Faith sa San Labrador. Ilang linggo pa niyang nakasama ang babae ngunit hindi na siya nakatanggi nang magpasama ito. Isang ebidensya na mabait talaga siya. Sa San Labrador, nakilala niya si Demetrio, ang stalker niya. Sa pagkakaalam niya, wala pa naman siyang ginawa (sa ngayon) upang magkandarapa ang lalaki sa kanya. Kahit saan siya magpunta, sa kagubatan man o sa sementeryo (walang pinipiling lugar ang lalaki) buntot na buntot pa rin ito. Nang magsawa sa ginagawa ng lalaki, hinarap niya ito at harapang tinanong kung atat na atat na ba talaga itong ligawan siya. Didiretsuhin na niyang hindi pa siya handa sa bagay na iyon. Bubot pa lamang siya. Kailangan na muna siyang diligan nang diligan hanggang sa mamukadkad. Ganoon na lamang ang pagkalaglag ng panga niya nang magkamali siya. Hindi pala niya stalker ang lalaki. Hindi rin ito deds na deds sa kagandahan niya (siya na ang dyosa) binibigyan lang siya ng babala. Mag-ingat daw siya. Pagsapit ng alas-dose ng tanghali, iaalay ang kagandahan niya sa diyos ng kagubatan. Diyos raw ng kagubatan. Sinong niloloko nito? Ang kagandahan niya? Oo nga't pang-alay ang kagandahan niya pero malaki na siya at matalino upang maniwalang walang diyos ng kagubatan. Asus. Huwag siya. Taktika lang iyon ng lalaki upang siya naman ang magkandarapa. Gusto nitong maging isang knight in shining armor niya samantalang siya naman ang magiging damsel in distress. Ngunit sinampal siya nang malakas ng katotohanang hindi pala ito nagsisinungaling nang ialay siya mismo ng mga kapitbahay ni Faith. Ngayon, makakaya pa kaya niyang gamitin ang alindog upang iligtas ang sarili? O mas gugustuhin na lang niya na sana si Demetrio na lang ang nanghahabol sa kanya?
El  by AshantiEverly
AshantiEverly
  • WpView
    Reads 381
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 10
Isang babaeng costumer ang muling nagpatibok sa puso ni El, ang spell book ni Everly na marunong magsalita at kumilos katulad ng isang normal na tao. Ayon dito, iyon daw ang second love nito dahil first love nito si Victoria. Ngayon...magawa kayang makuha ni El ang puso ng second love nito o magiging parehas lang din sa una ang pangalawang pag-ibig niya?
Something is Wrong with Me by AshantiEverly
AshantiEverly
  • WpView
    Reads 6,428
  • WpVote
    Votes 180
  • WpPart
    Parts 14
Maituturing na isang perpektong anak si Everly. Walang problema sa kanya ang mga magulang niya ngunit nang mapadpad sa tindahan nila si Gwen, nagawa niyang suwayin ang utos ng mga magulang. Gumawa siya ng potion para sa babae sa kabila ng pagbabawal ng mga magulang. Masaya na sana siya sa naging resulta. Sa loob ng isang araw, magpapalit sila ng hitsura. Nakagawa siya ng matagumpay na potion ngunit nagkaproblema. Namatay si Gwen. Ngayon, nasa kay Everly na kung paano niya itatama ang maling ginawa niya at kung paano maibabalik sa dati ang anyo.
Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1) by AshantiEverly
AshantiEverly
  • WpView
    Reads 35,595
  • WpVote
    Votes 651
  • WpPart
    Parts 22
Nasa kasagsagan ng pagdedeliver ng relief goods sina Emanuela Velasco kasama ang mga bodyguards niya nang magkaroon ng problema sa kanilang helikopter na sinasakyan at bumagsak iyon. Nagising na lamang siya na nasa isang kagubatang pagmamay-ari ng lalaking nagngangalang Daniel. Walang sinuman ang pwedeng mangahas na pumasok sa teritoryo ni Daniel Trinidad maliban lamang kung hihingi ng permiso mula sa kanya. Ang sinumang sumuway sa kanya? Kamatayan ang katumbas. Ngayon, kailangang kumbinsihin ni Emanuela si Daniel na wala siyang masamang intensyon at kaya lamang siya napadpad sa pinakamamahal nitong teritoryo ay dahil naaksidente sila. Gustuhin man niyang makatakas mula rito ay hindi pwede. Kailangan na muna niyang hanapin ang nawawala niyang bodyguards bago sila umalis sa lugar na iyon. Makumbinsi kaya ni Emanuela si Daniel? O matutulad na almang siya sa mga taong napatay na nito...