JhayAr835's Reading List
122 stories
Lord Of The Dead Beasts [Volume 3: Hero of the Dreadland] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 193,486
  • WpVote
    Votes 15,995
  • WpPart
    Parts 53
Upang talunin ang Sect Master ng Arial Sword Sect - ang tanging susi sa pagtunton sa taong nagbigay ng Lavender Cursed Stone kay Jedan - kailangang makamit ni Grim ang imposible: ang pagkadalubhasa sa pag-eespada. At alam niyang iisang tao lang ang makakatulong sa kaniya - si Mival Wilxes - ang kaniyang unang guro na siyang nagligtas sa kaniya sa pagkaalipin, at ang taong nagturo sa kaniya kung paano mangarap nang mataas. Ngunit nawawala ito. Huli itong namataan sa Dreadland - isang sagradong lupain na tinitirhan ng mga Buddharmas, mga nilalang na kinamumuhian ang sangkatauhan. Gayunman, tila ipinahihiwatig ng mundo na hindi pa siya handa - kailangan pa niyang maghintay at magpalakas. Ngunit paano siya maghihintay kung ang bawat segundo ay mahalaga? At kung impyerno ang kailangan niyang pasukin upang iligtas ang buhay ng isa sa iilang taong naniwala sa kaniya- Sisiguruhin niyang ang impyerno mismo ang luluhod sa harapan niya. ©Book Cover Illustration by my self
Lord Of The Dead Beasts [Volume 1: Blessing Of The Abyss] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 94,296
  • WpVote
    Votes 7,884
  • WpPart
    Parts 40
Walang pangalan. Walang kalayaan. Isa lamang na alipin si Grim - hanggang sa isang gabi, tinulungan siya ng isang misteryosong mersenaryo upang makatakas. Gayunman, ang dati niyang amo ay natunton siya't walang awang pinaslang. Dapat ay doon na nagtatapos ang kaniyang kuwento. Pero hindi. Isang misteryosong boses mula sa hinaharap ang bumulong ng kakaibang salita sa kaniyang isipan: "System, now downloading, Advanced Class: Lord of the Dead Beasts." Mula sa kamatayan, si Grim ay muling nabuhay. At sa kaniyang paggising, taglay na niya ang kapangyarihang muling buhayin - at kontrolin - ang mga bangkay ng Magus Beasts. At ngayon, hindi na siya alipin. Isa na siyang nilalang na hindi na kaya pang itali ng kadena o isumpa ng kasuklam-suklam niyang marka. Ang pangalan niya ay Grim Lancaster... at dala niya ang bangis ng libo-libong mga Magus Beasts. Ang mundo ay magluluksa. At ang kaniyang paghihiganti... AY DITO PA LANG MAGSISIMULA Bookcover by: @Patzgeraldt Date Started: January 01, 2025
Si Frisco at ang kaniyang Paraiso (Volume 2) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 221,447
  • WpVote
    Votes 24,739
  • WpPart
    Parts 81
Matapos niyang lisanin ang Takara para marating ang Kaharian ng Maraktan, magsisimula na si Frisco sa panibagong paglalakbay at pakikipagsapalaran. Nagawa niyang masagip ang buhay ng isang maharlika habang siya ay naglalakbay, at dahil sa maharlikang ito, malaking pagbabago ang mangyayari sa kaniyang buhay. Magagawa niyang marating ang Kaharian ng Maraktan at dito na magsisimula ang kanyang misyon para matupad ang pangako niya sa Takara. --
Legend of Divine God (Vol 16: The Thirteenth Emperor) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 1,061,379
  • WpVote
    Votes 132,386
  • WpPart
    Parts 152
Synopsis: Kinilala na ang ikalabintatlong emperador, at iyon ay walang iba kung hindi si Finn. Siya ang pinili ng kalangitan na magtaglay ng espesyal na kapangyarihan at titulo dahil napagtagumpayan niya ang huling hamon ng Land of Origins na talunin ang Evil Jinn. At sa kaniyang pagdating sa divine realm, samu't saring pagsubok kaagad ang kaniyang kahaharapin upang maprotektahan ang kaniyang mga kasama, kayamanan, at titulo. Bagong mga kalaban ang kaniyang makakaharap, at bagong mga kakampi ang kaniyang makakasama sa pagsasakatuparan niya sa kaniyang mga layunin. Sa pamamagitan ng espesyal na kapangyarihang kaniyang natanggap, maghahatid siya ng malaking pagbabago sa divine realm. Ipapakita niya na hindi siya dapat kalabanin, at ipapaalam niya kung bakit siya ang pinili ng kalangitan bilang magiging pinakamakapangyarihang nilalang sa hinaharap. -- Date Started - July 1, 2024 (Wattpad) Date Ended - ??
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 12] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 10,450
  • WpVote
    Votes 916
  • WpPart
    Parts 30
Sakay-sakay ng limang malaking mga Giant Sun Condors ang lahat ng mga nanalong mga kalahok. Napakalaking ibon ito ngunit hindi maaaring sobrang dami ng sakay nito. Ang naunang apat na naglalakihang mga ibong ito ay mayroong mga ekspertong galing sa Flaming Sun Guild. Marami-rami din pala ang mga nasa huling sakay ng ikalimang Giant Sun Condor. Lahat ng mga ito ay mga miyembro ng Flaming Sun Guild. Talagang pinaghandaan ang paglipad nila patungo sa direksyon kung saan naroroon ang Flaming Sun Guild. Hindi maipagkakailang nasa apatnapot tatlo lamang ang naging matagumpay sa mga trials na siyang inaasahan na rin ni Wong Ming. Talagang nakalkula na ng mismong Flaming Sun Guild ang kukunin nilang mga disipulo. Hindi naman siguro iyon labag lalo pa't ang tanging gusto nga ng Flaming Sun Guild ay mas mababa pa rito. Maayos naman ang paglipad nila kung saan ay tanaw na tanaw ng lahat ang magandang aerial view ng Flaming Sun Guild sa malayo habang makikitang makikita ang nagtataasang mga pader na siyang humihiwalay at nagsisilbing proteksyon ng buong Flaming Sun Guild. Hindi aakalain ni Wong Ming na napakalaking guild pala talaga ito. Natatanaw niya ang ilan sa mga floating islands na iba't-iba ang mga laki at hugis ng mga ito na siyang mas nagpapaganda ng buong lugar na ito. Hindi mapigilan ni Wong Ming na malula sa mga views na ito. Ngunit nadismaya naman si Wong Ming dahil naalala niyang mag-uumpisa silang lahat bilang mga outer disciples ng Flaming Sun Guild. Start:June 30, 2023 End: July 13,2023
Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 421,820
  • WpVote
    Votes 74,775
  • WpPart
    Parts 72
Synopsis Pagkatapos ng malaking rebelasyon, sa wakas ay bumalik na ang dating Finn Doria. Nagagawa niya nang maging masaya at ngumiti muli. Nag-uumapaw na ulit sa determinasyon at buhay ang kanyang mga mata. Mayroon na siya ulit inspirasyon para ipagpatuloy ang kanyang mga hangarin sa buhay. Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan dahil sa pagsasabwatan nina Munting Black, mayroon siyang natutunang bagong karanasan na kinapulutan niya ng aral. Mas lalo pang lumawak ang kanyang pag-iisip, at mas naunawaan niya kung gaano kadilim ang mundo ng mga adventurer kung saan anomang oras ay mayroong trahedyang maaaring mangyari. Ganoon man, ngayong humiwalay na ng landas si Munting Black at ang mag-asawa nina Leonel at Loen, mas mapapabuti kaya ang buhay ni Finn, o mas lalo siyang mahihirapan? Date Started: June 1, 2022 --
Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 737,762
  • WpVote
    Votes 119,921
  • WpPart
    Parts 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul sa loob ng isang misteryosong mundo. Bagong mga kalaban, kakampi, at katunggali ang kanyang makikilala sa pag-aagawan sa mga oportunidad at kayamanan. Isang panibagong paglalakbay na puno ng misteryo at pakikipaglaban sa loob ng mundong tinatawag na "Mundo ng Alchemy". Ganoon man, sino ang nilalang na nagmamay-ari sa mahiwagang mundo? At ano ang kanyang magiging papel sa buhay at pakikipagsapalaran ng binata sa hinaharap? -- Started on wattpad August 17, 2021 - November 25, 2021
Legend of Divine God [Vol 7: Continental War] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 454,442
  • WpVote
    Votes 70,116
  • WpPart
    Parts 62
Synopsis: Nagsulputan na ang mga bagong kalaban. Ang mga sikreto ay isa-isa nang naglalabasan. Hindi pa rin natatapos ang kaguluhan, at upang matapos ito, kailangang magsimula ng malawakang digmaan upang mabago ang nakasanayan. Mayroon nang lakas at kapangyarihan si Finn upang lumaban, pero, kakailanganin niya pa rin ang tulong ng kanyang mga kaibigan. Sino ang magwawagi sa huli? Ang nais umalipin sa ibang lahi, ang nais pumaslang sa ibang lahi o ang nais mapag-isa ang bawat lahi? -- January 1, 2021 - April 10, 2021 Illustration by Rugüi Ên
Legend of Divine God [Vol 4: Fate] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 828,263
  • WpVote
    Votes 52,433
  • WpPart
    Parts 62
June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --
Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 355,563
  • WpVote
    Votes 41,711
  • WpPart
    Parts 42
Pagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at magbigay banta sa Red Dragon Family. Handa na rin siyang hanapin ang grupong Dark Crow sa kaharian sa ilalim ng karagatan upang masimulan ang kanilang pagbabagong hinahangad. Pero, ano itong binabalak ng bagong namumuno sa mga merfolk? At ano ang mga nilalang na naninirahan sa Dark Sea? -- Former Book Cover and Illustration by MISTERGOODGUY Current Illustration by Rugüi Ên September 28, 2020 - December 13, 2020