10:23
Noon, pag tumingin siya sa wristwatch niya at nakitang 10:23 am na, wala lang sa kanya. Oras lang naman 'yun eh. Katulad lang din yan ng 10:22 at 10:24. Bibigyan niya lang ng ordinaryong tingin ang ordinaryong oras. Pero ngayon? Ito na yata ang 10:23 na ayaw niyang lumipas at matapos.