Husehismundo Specials
4 stories
Bukang Liwayway ✓ (ANLS #2)  by McKhenzerrr
McKhenzerrr
  • WpView
    Reads 300
  • WpVote
    Votes 44
  • WpPart
    Parts 13
Ang dalawang linyang pinaglayo ng hindi mapangalanang pulgada. Ang dagat at isang langit na pinapahiyasan ang isa't isa, ngunit milya ang distansya. Dalawang nilalang na pinagkaitan, ngunit may mga himig na kapag pinagsama ay hindi papalya. Binigyan nga ng pagkakataon, ngunit sa huli ay naging tanong. Isang bahagsubay, tatlong bukang liwayway? Hindi na ba hihigit doon? HUSEHISMUNDO
Sa Pag-ugoy ng Duyan ✓(ANLS #4) by McKhenzerrr
McKhenzerrr
  • WpView
    Reads 107
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 5
Ano ang iniisip ng bawat isa sa tirik na araw? Tanaw ang bughaw na langit, ramdam ang haplos ng hangin. Wala nang mas mapalad pa sa taong kayang masaksihan ang alon ng dagat, marinig ang huni ng mga ibon, masaksihan ang araw, maramdaman ang init, makita ang ganda ng kalikasan, at masilayang magkasalubong ang liwanag at dilim sa kalangitan. Sa tirik na araw, naiisip niya ay pag-asa. Pag-asa habang binibigkas ang isang awit, at habang umuugoy ang duyan...
Ang Inalay na Gumamela✓ (ANLS #3) by McKhenzerrr
McKhenzerrr
  • WpView
    Reads 510
  • WpVote
    Votes 77
  • WpPart
    Parts 23
Lahat ng tao ay naghahangad ng magandang kapalaran. Lahat ay nais na makamtan ang kaniyang pinakalayunin sa buhay. Ang lahat ay tumitingala sa bughaw na kalangitan. At ang lahat ay may nais na masungkit ang talang iniibig. Lahat ay nangangarap, na sa bawat bukangliwayway at dapithapon na pinapanood, binubulong kung gaano kagustong maabot ang isang nais na kapalaran. At ito ang magsisilbing pintig ng araw, na siyang magpapaalala sa tuwing ito ay makalilimutan. At ang pangarap din na nakatatak sa buwan, na siya namang sandigan mo kung minsa'y pinanghihinaang abutin iyon. At ang pangangarap na iyon ay natuldukan ng isang pulang gumamela.
Tayo, Kahimanawari ✓ (ANLS #1/)  by McKhenzerrr
McKhenzerrr
  • WpView
    Reads 1,175
  • WpVote
    Votes 158
  • WpPart
    Parts 24
Eroplanong papel na naglalakbay at binabagtas ang mabining hangin, dala ang mga pag-asa, dala ang sakit, dala ang kahilingan. Papel na pinauubaya sa ere, panalanging paulit-ulit na isinasambit, mga luhang umaasang mangyari muli ang unang pagdidikit na siya ring pagwawakas ng lahat. Anong halaga ng tula, kung sa panaginip na lang sila magtutugma? Pintig ng puso'y nawalan ng yaring tunog. Bawat salita, talinhaga't tugma'y naging bubog. Pag-ibig na wari mo'y rosas na niyakap ng kapighatian, dalisay ang rikit ngunit pagkasawi ang tagpuan. Binulong sa puting salipawpaw... Tayo, kahimanawari. Started: April 28, 2020 Date Finished: May 13, 2020