Read Later
4 stories
ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 50,385
  • WpVote
    Votes 1,782
  • WpPart
    Parts 11
Klaro ang instructions ng boss niya kay Camille. Kalilimutan muna nilang sila si Adam na may-ari ng ELEMENTS at siya si Agent Wind, aakto silang mga simpleng tao, i-explore ang attraction nila sa isa't isa at pagkatapos ng tatlong araw, babalik sila sa normal na kalakaran sa trabaho at kalilimutan ang pangyayaring iyon. Sa lahat ng mga bagay na hiniling ng boss na gawin niya, iyon siguro ay isa sa pinakamahihirap. Sa kabila niyon, kahit natural pang pasaway ang dalaga, willing siyang sumunod sa rules this time. Unang-una, wala namang choice si Camille. Kahit ano pa ang mangyari, nunca na pipiliin siya ni Adam kaysa sa pinakamamahal nitong kompanya. She would forget. She really should. Thank you Bookware for the covers of all 4 Element Series books posted here on wattpad.
Tres Marias: Louisa Marie, Labor of Love by Nicka_Gracia
Nicka_Gracia
  • WpView
    Reads 29,370
  • WpVote
    Votes 626
  • WpPart
    Parts 12
Normal naman sa writer na gaya ni Louisa ang makaranas ng writer's block. Dahil na rin sa suhestiyon at pamimilit ng kanyang kapatid na si Florence, naging assistant si Louisa ni Kenette. Best friend kasi ito ni Florence kaya wala na rin siyang pagpipilian kundi ang tulungan ang binata. Pero nagkamali si Louisa. Kaya niyang lunasan ang writer's block pero ang heart palpitation sa tuwing malapit ang binata, iyon yata ang malabong magawan niya ng solusyon. But she needed to concentrate more. Tuhog naman talaga ang kanyang goal: ang maisulat ang kuwento ng kanyang heroine na si Jorella at ang maging effective assistant ni Kennete. Pero mahirap yatang panindigan ang goal na iyon lalo na kung kasing guwapo ng binata ang kanyang distraction. Mukhang hindi naman kuwento ng heroine ni Louisa ang nade-develop...
Tres Marias: Margarete Marie, Love Remains by Nicka_Gracia
Nicka_Gracia
  • WpView
    Reads 10,883
  • WpVote
    Votes 555
  • WpPart
    Parts 25
Dahil sa isang writing project ay nagbalik si Reth sa Cagayan. Not that she was complaining, mas pabor iyon sa kanya; work and pleasure. Sa Cagayan nakilala ni Reth si Lolo Felipe, ang kanyang writing project. Magkasundo agad sila ni Lolo Felipe, kasing bilis nang pagkakilala niya rito ang paggaan ng kanyang kalooban. Naging matiwasay ang pagtigil ni Reth sa bahay ni Lolo Felipe hanggang sa dumating ang apo nito, si Matthew. They were the opposite of each other. Masyadong plano ang buhay ng binata, at hindi kilala ng katawan nito ang salitang adventure. And just like all love story, gumawa ng paraan ang tadhana na magkalapit silang dalawa. Typical. Hindi inaasahan ni Reth na gaya nang isinusulat ng kanyang kapatid na si Louisa ay may mabubuo siyang damdamin para sa lalaki. Pero hindi pa man ay mukhang bokya na ang kanilang napipintong love story, ni hindi pa man siya kinikilig ay tahasan nang ipinamukha sa kanya ni Matthew na may fiance na ito at malabong magustuhan siya. Pero handa siyang guluhin ang planado nitong buhay, hindi dahil sa utos ni Lolo Felipe ngunit iyon ang dikta ng kanyang puso.
Mad World (Complete) by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 28,211
  • WpVote
    Votes 778
  • WpPart
    Parts 13
My name is Herminia. I became so depressed pagkatapos pakasalan ng lalaking mahal ko ang kaibigan ko. I thought maybe suicide would end it all. So I did it. I killed myself. Only to discover na mapupunta ako sa isang dimensiyon na tinatawag na Pico Mundo. Sa lugar na ito nililitis ang mga kaluluwa ng mga taong nagpakamatay-kung papayagan ba silang mapunta sa Kaharian ng Kabutihan o hindi. Lahat ng kaluluwa ay binibigyan ng anghel na magsisilbing parang abogado nila at ang na-assign sa akin ay si Eremiel-na nagpapatawag ng Jeffrey. Sa paglipas ng mga araw at dahil halos lahat ng oras ay magkasama kami, nahulog ang loob ko kay Jeffrey-at ganoon din siya sa akin. Ang problema, ipinagbabawal na magkagustuhan ang isang anghel at isang kaluluwa. Tutol ang lahat sa relasyon namin ni Jeffrey. Pero susuko ba ako? Of course not! Isinuko ko na ang buhay ko, isusuko ko pa ang unang lalaking nagmahal sa akin? Fight, Herminia, fight!