Thymyr_Jarnxaza
May sobreng dumating kay Elyssia Alcaraz - matanda, selyado, at may pangalan ng kaibigan niyang si Kaelisse sa labas nito. Sa loob: ang unang piraso ng isang lihim na dalawampung taon nang inilibing, at ang mga pangalan ng dalawang lalaking magbabago ng lahat sa buhay nila.
Sina Zephyr at Daniel ay may koneksyon sa isang sunog na kumitil ng buhay ng isang tao - bago pa man isilang ang apat na ito. Habang lumalalim ang pag-ibig sa pagitan nila, lalong lumalapit ang katotohanang hindi dapat kailanman nabunyag.
Minsan, ang pinakamatinding katahimikan ay ang siyang pinakamalakas na sumisigaw. #Romance #Mystery #TheHushBetweenHearts