KimBustamante's Reading List
6 stories
Currents of Certainty by kathayana
kathayana
  • WpView
    Reads 4,594
  • WpVote
    Votes 184
  • WpPart
    Parts 23
Warrior of San Marcelino Series #4 Mula kabataan hanggang sa unang taon ng kolehiyo, mahilig akong magtampisaw sa tubig. Ulan man sa labas o banyo; tubig man ng dagat o ilog, hahayan kong mabasa ang aking balat. Kahit madalas ay nanlalamig pagtapos, hindi ako nagsasawa. Ngunit noong nalakbay ko ang katawan ng tubig gamit ang barko, nasilayan ko ang ganda ng mga buhay dito. Sa pagkakataong 'yon ko rin nakilala ang alon; magkakaiba ang direksyon. May kasiguraduhan pa rin ba ang patutunguan kung ang bawat alon ay iba-iba? Walang sagot ang tubig ngunit nanatili ako sa barko kahit walang malinaw na daan. Sa pagdaong, doon nagkaroon ng kasiguraduhan ang alon. Started: January 2, 2026 Ended:
Ugnayan sa Ulan by kathayana
kathayana
  • WpView
    Reads 62,574
  • WpVote
    Votes 841
  • WpPart
    Parts 35
Warriors of San Marcelino Series #3 Ayokong magtampisaw sa ulan para maranasan ang kakaibang kasiyahan kung sisipunin pagtapos. Gusto kong manood ng mga batang naglalaro roon. Ang tanda ko na para magtampisaw, mamatahin ako ng mga tao. Hindi para sa akin ang ulan. Ayokong maging ulan na makakaperwisyo sa marami para maibigay ang nais ng mga malapit sa akin. Mababasa ko nga ang mga puno ngunit mababasa ko rin ang mga tao. Uulan na lang ako sa dilim; sa hindi mataong lugar. Ayokong ugnayan ang ulan dahil ang lamig nito'y pinapalabas ang gusto kong itago. Ayoko ngang magtampisaw sa ulan pero sa tuwing kailangan ko ng masasandalan nand'yan siya. Ang sarap huminga sa hanging dala ng ulan. Nakakagaan sa pakiramdam. Nakakawala ng mga iniisip ang lamig ng patak; hindi ko mapigilang magpahatak. Started: July 17, 2025 Ended: November 22, 2025
Ang Tahanang Iniiyakan by kathayana
kathayana
  • WpView
    Reads 48,809
  • WpVote
    Votes 1,157
  • WpPart
    Parts 35
Warrior of San Marcelino Series #2 Sila dapat ang ligtas kong espasyo; kung saan may katahimikan at kalayaan. Ang tahanan ang dapat sandigan at hindi rason ng kalungkutan. Sa bahay na 'yon dapat tumatahan ngunit doon ko kailangang magpakatatag. Sila ang espasyong pumipilit sa aking maging hindi ako. Sila ang tahanan aking iniiyakan. Sa bawat araw na lumipas ang mga emosyong dapat niyakap ay tinutulak. Pati ang taong nagbigay ng mga emosyon ay akin ding tinulak. Ang taong nagsilbing tahanan ay aking iniwan. Hindi ko kayang tumanggap dahil iyon ay kahinaan. Ayokong maging bukas dahil mahirap at nakasanayan. Kailangan ko ng oras; hindi ito ang tamang panahon para magkatuluyan. Habang ako'y hinuhilom ng panahon, ikaw ay naiwanang wasak. Subalit nanatili kang tahanang inuuwian ng aking mga luha. Started: January 15, 2025 Ended: June 3, 2025
Crazy Rich Transgender by karleenperry
karleenperry
  • WpView
    Reads 250,078
  • WpVote
    Votes 12,694
  • WpPart
    Parts 71
[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao na salungat sa pinangarap natin, kesa sa alam mong perpekto at sapat para sa atin? Bakit kung kailan handa na silang lumaban, tayo naman ang susuko? At... Bakit may taong mamahalin mo, kahit hindi naman karapat dapat? Magkalayo ang agwat, magkaiba ang mundo at magkaibang reyalidad ng buhay. Sapat na ba ang pag-ibig upang maging masaya? Crazy Rich Transgender All Rights Reserved 2019 ©KarleenPerry
Vow of Tomorrow by kathayana
kathayana
  • WpView
    Reads 167,253
  • WpVote
    Votes 3,993
  • WpPart
    Parts 36
Warriors of San Marcelino Series #1 Paminsan-minsan ay hindi natin magawang maniwala sa isang sitwasyong naulit na sa ating nakaraan. Paano ko paniniwalaan ang mga salitang nabigo na sa akin? Simula no'n ay parehas na ang asin at asukal kaya hindi na ako nagtangkang tikman muli ang tamis. Ngunit lumitaw ka, ang lalaking malabo kong makatuluyan at ayokong makatuluyan; nagpumilit ka. Binigay mo ang panatang hirap kong tanggapin. Tinapon ko ito ngunit binalik mo pa rin sa akin. Kahit noong hawak ko na'y ayoko pa ring yakapin. Ngunit dahan-dahan mo itong pinatunayan hanggang sa ito na'y aking pinapaniwalaan. You fixed and dignified the promise that was once broken. Started: September 3, 2024 Ended: November 26, 2024
Living Under The Same Roof (The Hottie and The Promdi) by iamjcquin
iamjcquin
  • WpView
    Reads 16,320,643
  • WpVote
    Votes 25,296
  • WpPart
    Parts 8
Ako si Tina, isang probinsyana. Lumuwas ako ng Maynila upang mag-aral, para maiahon sa kahirapan ang aking mga magulang. Pero dahil di sapat ang ipinapadalang pera sa akin nina inay at itay, kinailangan kong magtrabaho habang nag-aaral.. Ngunit di pa rin yun sapat.. Kaya napilitan akong humanap ng makakahati sa renta ng apartment na aking tinutuluyan dito sa Maynila.. At nakahanap naman ako.. At nasabi ko bang,, SYA LANG NAMAN ANG PINAKA-GWAPONG NILALANG NA NAKITA KO SA TANANG BUHAY KO.. Sinuwerte nga ba ako o ito ang simula ng kalbaryo ko...