GinoongOso
Synopsis
Sa mundong pinaghaharian ng mga maharlika, makapangyarihang organisasyon, at indibidwal na handang gamitin ang sinuman para sa sariling kapakinabangan, pinili ni Frisco na umiwas. Bagaman taglay niya ang potensyal, batid niyang hindi pa sapat ang kaniyang lakas upang makipagsabayan. Ayaw niyang magpaalipin, ayaw niyang magpagamit-kaya't pinili niyang pumasok sa Institusyon ng Nozque, isang kilalang paaralang naghuhubog sa mga may angking kakayahan.
Ngunit ang kaniyang desisyon ay simula pa lamang ng mas malaking pakikibaka. Sa loob ng institusyon, makikilala niya ang mga taong magpapalawak sa kaniyang pananaw-kaibigan, kakompetensya, at mga lihim na konektado sa sikretong nais niyang matuklasan. Sa harap ng mga hamon, panlilinlang, at tukso ng kapangyarihan, kakayanin kaya ni Frisco na manatiling tapat sa kaniyang layunin? O sa huli, susukuan niya ba ang kalaayan para sa kapangyarihan?
--