PHR
15 stories
The Diplomat's Wife by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 283,759
  • WpVote
    Votes 7,670
  • WpPart
    Parts 34
Sa una pa lang ay alam na ni Sarah na hindi siya kayang gawin na priority ng napupusuan na si Cloud. Pero isang aksidente ang naging dahilan para magkalapit at makasal silang dalawa. Tuluyang nagbago ang buhay ni Sarah. Limang taong buhay mag-asawa, apat na tao at hayop na iniwan siya at tatlong bansa ang nakapagpabago sa isip niya na isang malaking pagkakamali na pumayag siya sa pagbabago. Iniwan niya ang asawang hindi kayang ibigay ang comfort at stability na siyang kailangan niya. Pero hindi basta-basta na pumayag si Cloud. Sinuyo siya nito. Papayag ba ang napapagod ng puso niya?
International Billionaires Series 5: Vincent Kim (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 34,281
  • WpVote
    Votes 1,077
  • WpPart
    Parts 25
Seventeen years old pa lang si Jonabel ay malinaw na sa kanya na ipapakasal siya kay Vincent-ang anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang-sa takdang-panahon. Wala naman iyong kaso sa kanya. Mabait si Vincent at alam niyang mahal siya nito kaya naging maayos ang kanilang relasyon. Hanggang sa dumating si Minjoon at umibig siya sa binata, dahilan para masira ang relasyon nila ni Vincent. Isinakripisyo ni Jonabel ang lahat para sa inaakalang pag-ibig kay Minjoon. Pero pagkatapos ng tatlong taong relasyon ay ibinasura lang siya nito. Jonabel was miserable. At isa lang ang naiisip na paraan ng kanyang mga magulang para mailigtas siya sa kahihiyan-ang muli siyang ipagkasundo kay Vincent. Kagaya ng inaasahan, hindi nagustuhan ni Vincent ang ideya. Pero hindi si Jonabel. Dahil sa mga taon na nakarelasyon niya si Minjoon at nagkalayo sila ni Vincent ay may isang bagay siyang napagtanto: You'll only realize that you love the person when he is not with you anymore.
International Billionaires Book 4: Jet Martinez by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 59,148
  • WpVote
    Votes 1,929
  • WpPart
    Parts 27
Matagal nang alam ni Aila na wala siyang karapatang ma-in love pa sa sinumang lalaking gugustuhin niya. She was bound to marry someone chosen by her parents. Pero na-love at first sight siya kay Jet, ang guwapo at matulunging doktor from Spain. They had a secret and long-distance relationship for three years. Inakala niyang kontento na si Jet sa ganoong setup ng relasyon nila. Pero dumating ang araw na nag-propose ito ng kasal. Paano magagawang tanggapin ni Aila ang alok na kasal ni Jet kung sa panahon na iyon ay itinakda na rin pala ang kasal niya sa lalaking ipinagkasundo sa kanya ng mga magulang?
International Billionaires 3: Edmundo Ferreira by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 524,769
  • WpVote
    Votes 7,657
  • WpPart
    Parts 30
International Billionaires Book 3 Name: Edmundo Ferreira Profession: International Model, Prince of the Royal House of Ferreira Whereabouts: (Too Many To Mention) Around The World Romantic Note: Minha Querida
International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 452,210
  • WpVote
    Votes 7,766
  • WpPart
    Parts 25
Name: Augustus Foresteir Profession: Businessman, Owner of Restaurants and Distillery Whereabouts: Paris, New York City and Manila Romantic Note: Ma Cherie
International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 834,643
  • WpVote
    Votes 15,289
  • WpPart
    Parts 30
Name: Nikolas Lance Afinidad Professsion: Businessman, President of Haven Developments Whereabouts: Santorini, New York City and Manila Romantic Note: Agape Mou Citizenship: Greek
Andrei, The Sweet Punisher (Completed) by GezillePhr
GezillePhr
  • WpView
    Reads 101,509
  • WpVote
    Votes 2,161
  • WpPart
    Parts 10
Andrei, The Sweet Punisher By: Gezille Teaser: "Parang gusto na kitang sakalin sa pagiging manhid mo." Hindi naging maganda ang unang pagtatagpo nina Gizelle at Andrei. Para kay Gizelle, si Andrei na ang pinakamasungit na nilalang na ginawa ng Diyos. Kaya nang muling magtagpo ang mga landas nila at malaman niyang ito pa pala ang boss niya sa kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan, hindi niya naiwasang himatayin. Iyon na yata ang pinakapangit na joke ng tadhana sa kanya. Lalo na nang magsimulang umusbong ang paghanga sa puso niya para sa walang-kasinsungit na lalaki nang magsimula siyang magtrabaho rito. Ngayon, hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang huwad na pagsintang-purorot sa lalaking habit na yata ang magalit sa mundo.
Cinderella And Her Mr. Right (COMPLETED) by GezillePhr
GezillePhr
  • WpView
    Reads 104,308
  • WpVote
    Votes 1,973
  • WpPart
    Parts 10
"I don't care about what other people might say. I love you and I'm willing to fight for you." Mutsatsay ang papel ni Yani sa buhay ng kanyang evil auntie at evil cousins. Nagngingitngit man ang kalooban, pilit siyang nagtiis dahil ang mga ito na lang ang natitira niyang kamag-anak. Pero 'ika nga, kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin. Kaya nang masaid ang pasensiya, palihim siyang nag-alsa-balutan at nilayasan ang mga kamag-anak. Mabuti na lang at to the rescue ang kanyang BFF a la fairy godmother na naging daan para makilala niya ang Prince Charming na si Tyler Hernandez. Perfect na sana ang mala-Cinderella story ni Yani. Pero kung kailan feel na feel na niya, saka naman siya nagising sa katotohanan. Paano nga naman mauuwi sa happily ever after ang damdamin niya kay Tyler gayong hindi prinsesa kundi dakilang alalay lang siya ng binata, na malabong makatuluyan at malabong mahalin?
You're Still The One by GezillePhr
GezillePhr
  • WpView
    Reads 159,213
  • WpVote
    Votes 3,715
  • WpPart
    Parts 20
Sa mga nakabasa na po ng story nila Andrei at Gizelle, heto na po ang kuwento ng mga kapatid nilang sina Alex at Winona. You're Still The One (Special Edition, 256 pages) By Gezille "I can't lose you. Mababaliw na ako kapag nawala ka na naman sa 'kin." Sa unang pagtatagpo pa lang, inis na si Winona kay Alex-ang panganay na anak ng boss niya. Si Alex na yata ang pinakairesponsable, pinakamayabang, pinakamapang-asar at pinakapapansin na lalaking nakilala niya. Kaya naman hindi niya naiwasang lihim na magreklamo nang atasan siya ng kanyang boss na maging secretary slash temporary trainer ni Alex habang nagsasanay ito sa pagpapatakbo ng DOBI-ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Walang ginawa si Alex kundi ang magpasaway at pasakitin palagi ang ulo ni Winona. Wala ring ginawa ang lalaki kundi ang magpa-cute sa kanya. Ngunit dahil malaki ang utang-na-loob niya sa kanyang boss, tiniis niya ang lahat at pinilit na bale-walain ang mga pagpapapansin ng lalaki. Hanggang isang araw, naubos na ang pasensiya niya. At kasabay ng pagkaubos ng pasensiya niya ay ang pagkahulog na pala ng loob niya sa lalaki. Na-in love siya kay Alex sa kabila ng pagiging pasaway nito. And she realized that was the biggest mistake she had ever done. Dahil hindi pala madaling mahalin ang pasaway na katulad nito.
You Belong With Me (COMPLETED) by GezillePhr
GezillePhr
  • WpView
    Reads 151,986
  • WpVote
    Votes 3,231
  • WpPart
    Parts 20
"Kaya ko rin tumira kahit saan. Kahit sa labas pa 'yan ng mundo. Basta ang mahalaga, kasama kita." Bata pa lamang si Eunick ay minahal na niya si Yuan. Iningatan at inalagaan niya ang damdaming iyon hanggang sa magdalaga siya. Kaya naman labis siyang nasaktan nang malamang ikakasal na si Yuan sa best friend niyang si Arvie. Huli na ang lahat para sa kanila ni Yuan kaya pinilit ni Eunick ang sariling mag-move on. Pero biglang nawala si Arvie bago ang araw ng kasal. Nagalit si Yuan at nagulat si Eunick nang pagbintangan siya ng lalaki na kasabwat ng kaibigan sa paglalayas nito. Sa sobrang galit yata ni Yuan kaya gumaganti ito. Una, sa pamamagitan ng mga magulang ni Arvie at sumunod ay sa pamamagitan niya. Bigla ay nalagay si Eunick sa sitwasyon kung saan kailangan niyang ibangon ang nadurog na pride at ego ni Yuan at iyon ay sa pamamagitan ng pagpapakasal niya rito. Pero sa kabila ng katotohanang gusto lang nitong makaganti, wala pa ring pagdadalawang-isip na pumayag siya sa gusto ng lalaki. Ang dahilan? Simple lang. Dahil mahal niya ito, gagawin niya ang lahat para tulungan itong mag-move on at kalimutan si Arvie.