Lavenderazz
A NOVELLET STORY WITH 5,192 WORDS, COMPOSED OF FIVE(5) CHAPTERS.
"Sometimes we need FANTASY in order to escape from REALITY."
- Lavenderazz
PAGMAMAHAL. Ito ang isang bagay na matagal ng gustong maranasan ni Doray.
Ang MAGMAHAL at ang MAHALIN pabalik.
Ngunit, sa kaniyang sitwasyon ay malabo yatang mangyari ito.
GALIT, POOT, PANG-AALIPUSTA AT PANANAKIT.
Ito ang palaging ginagawa sa kaniya ng kaniyang pamilya. Oo kaniyang PAMILYA. Pero kung ituring siya ng mga ito ay parang isang katulong.
Mabuti pa nga yata ang katulong dahil kahit papaano ay may sweldo. Pero siya? Ito at labandera na't lahat-lahat pero ni pagmamahal ay hindi manlang masuklian ng mga ito.
Pero, kahit gano'n ay hindi pa rin siya tumitigil mangarap; na balang araw ay matututunan siyang mahalin ng mga ito.
Kaya, kahit walang kasiguraduhan ay isusugal niya ang lahat-lahat para makamit ang matagal ng inaasam-asam na pagmamahal ng kaniyang pamilya.
Pero ang tanong?
Hanggang kailan kaya ang dapat niyang isakripisyo para lang makamit ang buo at masayang pamilya?
Story Published: July 28, 2021
ENJOY!