dahil147's Reading List
33 stories
SA KUKO NG ASWANG by josandiego
josandiego
  • WpView
    Reads 778
  • WpVote
    Votes 45
  • WpPart
    Parts 31
Nagpunta si Monette sa Capiz upang takasan ang wasak niyang puso. Ngunit sa Roxas City... may mas nakakatakot pa palang naghihintay sa kaniya. Mga matang mapupula sa dilim. Mga bulong tuwing hatinggabi. At isang lalaking hindi dapat iniibig- si Lucero Montenegro. Ang pinuno ng mga aswang. Sa bayan kung saan buhay ang alamat... gaano katagal makakatakas si Monette sa kuko ng aswang?
MARIA LABO ANG UNANG ASWANG by JohnsonVisperas
JohnsonVisperas
  • WpView
    Reads 11,086
  • WpVote
    Votes 315
  • WpPart
    Parts 71
Kilala natin si Maria Labo sa isang Urban Legend na storya, kung saan naghihirap ang pamilya niya, ayaw siya payagan ng asawa mangibang bansa, pero nagbago din ang isip ng asawa at pinayagan siya, ngunit ng nasa ibang bansa na siya ay nadisgrasya siya, umuwi sa Pilipinas at tila nagbago na ang ugali, pinatay niya ang dalawang anak at pinaghahanap siya ng pulis na asawa niya. May ilan version ang storya nato, nahagawig pa siya sa urban legend ng ibang bansa na Slit mouth woman kaya naisipan ko gumawa ng sarili kong storya tungkol kay Maria Labo, itoy malayong malayo sa storya na alam ng karamihan, sa storya ko si Maria Labo ang pinaka kauna unahan Aswang sa Pilipinas. May nahahawig din pero tinitiyak ko isa itong kakaibang storya tungkol sa mga Aswang at iba pang kakaibang nilalang na sariling atin sa Pilipinas. Naway magustuhan niyo ang aking gagawin storya, Paalala, hindi po ito tulad ng aking Pamahiin na storya kung saan bawat storya ay may katatakutan, may mga storya dito na maaring boring para sa inyo, maaring may love story o romance, pero lahat ng ito ay kinakailangan, makikita nyo mag grow up ang mga character, ito mag bi build up ang storya hanggang sa paganda ng paganda habang nagcli climax parating sa ending ng storya. Matagal kona nagawa ang storya nato, natapos ko narin siya pero hanggang sa first part pa lamang. Kung sa pelikula, unang pelikula palang ang natatapos ko. Hindi ko pa siya nadudugtungan. Ginawa ko ang storya nato ay para sa pelikula, pero ngayon naisipan ilipat dito sa wattpad para maibahagi sa inyo. Hindi ko parin siya naililipat ng husto kaya konti tiis lang sa pag iintay. Makakaraos din at matatapos ko din ito. maraming salamat sa lahat ng magbabasa mag aadd sa reading list nila, magcocomment, at magvovote.
BALETE CHRONICLES: Unang Aklat by bernardcatam
bernardcatam
  • WpView
    Reads 26,947
  • WpVote
    Votes 1,931
  • WpPart
    Parts 47
What if Philippine folktales, myths and legends are set in the present time? What if scary mythological creatures do exist and are secretly roaming within our very own cities we used to live comfortably? Do anitos have anything to do with our weather system and traffic congestion? Do aswangs visit nightclubs? How tall are kapres exactly and is it really true that they enjoy climbing network towers nowadays? What is the maximum speed limit for tikbalangs? What are sirenas' favorite swimming strokes? And how do nunos spend their past time? This story will chronicle the lives of the most normal siblings in town trying to navigate their normal lives within the fantastical world of diwatas and engkantos. Join the Baraneda siblings on their fast-paced and funny quest adventures, bringing Tagalog mythology to life. Whether you are new to Philippine mythology or well-versed in it, this will make ancient stories both relevant and impossible to forget. -- Catam, B.C.A., Klab Maharlika Laguna Chapter Text Copyright © bernardcatam ™ 2019 Written by: Bernard Christopher A. Catam Cover by: Rome Alferez Lozano All Rights Reserved. No reposting, republishing, and printing of copies.
BEAUTY  IN THE DARK |AANM-Book2  by ANGELICABZ_4
ANGELICABZ_4
  • WpView
    Reads 970
  • WpVote
    Votes 44
  • WpPart
    Parts 74
Si Miyarah ay lumaki na hindi alam ang mga sekreto ng kaniyang Mommy Amara. Kaya kahit dalaga na sya ay wala syang alam na ang Ina niya ay Reyna ng mga aswang. Nabuhay sya sa mundo ng mga aswang na mapayapa ngunit malungkot kase lagi syang nakakulong sa sariling palasyo ng kaniyang Ama at Ina. Madalas niyang nararamdaman sa sarili niya na parang naiiba sya iyon ay dahil tao sya at ang nakapaligid sa kaniya ay mga aswang at wala syang alam doon. ang alam niya ay mga tao lang sila at normal ngunit doon sya nagkakamali. Madalas naiinis sya sa Mommy niya kase ang weird ng mga kilos nito at dumating sa point na sawa na sya. Nasaktan sys ng kaniyang Daddy ng pagsalitaan niya ang sariling Mommy na walang kwenta habang wala pa ito at iyon ang nagtulak kay Miyarah na umalis sa mundo niya. Ang hindi niya aakalain iyon ang magiging unang journey niya kung saan unti -unting magbabago ang buhay niya na kung saan walang kumu-kontrol sa kaniya.
ASWANG by jhonnah_lie14
jhonnah_lie14
  • WpView
    Reads 105,300
  • WpVote
    Votes 2,506
  • WpPart
    Parts 41
"JOURNEY TO THE PLACES OF VISAYAS" ----->Pitong magbabarkada na mahilig sa adventure,na napadpad sa isang liblib na lugar sa VISAYAS.<------ Genre.... Horror,Comedy,Romance,Adventure: (A/N:) Ang mababasa nyong kwento ay base lamang sa mga kwento,haka haka at imahinasyon namin.. Ang mga pangalan,lugar,at pangyayari ay base lamang sa imahinasyon at walang intinsyong gayahin o kopuahin ang anu mang istorya,o sino mang tao. .....read!!! read!!! read!!! share!!!share!!!share!!!
Sa Harap ng Pulang Bandila by AorinRei
AorinRei
  • WpView
    Reads 34,212
  • WpVote
    Votes 4,517
  • WpPart
    Parts 61
Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga kamalian na tugma sa pangyayari ng modernong panahon na dapat iwawasto. Ang mga maling paniniwala na dapat iwaksi. Subalit kailangang alalahanin na walang mababago ni isa sa mga nangyari sa kasaysayan. Isinasaad sa panaginip na lahat ng matututuhan ay dadalhin sa kasalukuyan, ang dunong at kagitingan na magsisilbing armas, kasangga ang nag-aalab na damdamin ng pusong makabayan, ang siyang maghahatid tungo sa tunay na kapayapaan. Ako'y nasanay na sa takbo ng panahong ito, tulad na rin ng kanilang hangarin "Maaari po ba akong sumapi?" Sinong mag-aakala na hindi lang pala iyon ang aking makukuha. "Malamang ay bulag ang iyong mga nakakasamang tao sapagkat hindi nila makita ang iyong karilagan o marahil sila'y nabulag na dahil sa pagkasilaw sa iyong rikit." Kapwa namin batid na hindi tugma subalit nagsalitan pa rin kami sumpaan Kaniyang ipinagtapat na ang tunay na nadarama "Isang karangalan Ang maiharap ka sa pulang bandila Pangako, kailanman Mamahalin ko'y ikaw, wala nang iba" Ano ang mangyayari kung magiging malapit ang loob sa mga bayani ng nakaraan lalo na at alam na alam ang kahihinatnan ng mga ito? Tila panghuhuli ng agila ang dalawang magkatunggaliang panig na magdalo upang pagkaisahin ang mamamayan ng lupang tinubuan. May pag-asa pa bang ayusin ang pingkian ng kasalukuyan? Ako si Idianale, ang tagapagsalaysay ng tunay na kaganapan sa kasaysayan.
The Lost Goddess (Completed) by authorofaudacity
authorofaudacity
  • WpView
    Reads 41,985
  • WpVote
    Votes 940
  • WpPart
    Parts 38
Si Amara isang hindi ordinayong babae, pinagkalooban siya ng Diyos ng isang malagintong kulay na buhok na nagsisilbi at nangangahulugan sa kanyang pagkatao. Limang taon na gulang pa lamang siya ay ulila na siya at inampon siya ng babaeng kasalukuyang nag-aalaga sa kanya ngayon; alam nito kung ano siya at ganoon na lamang ang pagmamahal ng kinalakihang ina ni Amara. At dahil sa gusto nitong itago ang tunay na siya ay pinalitan ng Ginang ang kanyang pangalan at ginawa iyong Amatria. Si Maya ang kakambal ni Amara (Amatria) ay pinalad, dahil ang nakapulot sa kanya o sabihin na lang nating nakakuha sa kanya ay ang Hari at Reyna ng Fotheringhay. Nagpunta ang Hari at Reyna sa bahay ampunan para mag ampon ng bata na babae: wala silang anak dahil hindi sila pinalad na magka supling. Magaspang ang ugali ni Maya o mas kilalaning si Amberly sa kasalukuyan. Tamad siyang mag-aral kaya palagi na lang siyang pinapagalitan ng kanyang kinalakihang mga magulang, at ng dumating si Amatria sa kanilang teritoryo ay doon na nagbago ang lahat-nagalit si Amberly dahil sa tingin niya ay inagaw ni Amatria ang atensiyon na dapat ay sa kanya Magkakasundo pa kaya sila? Malalaman ba nila ang katotohanan? Halina't basahin ang aking kwentong pantasiya!
Ang Lihim ng Lunangayin by FilipinoFiction
FilipinoFiction
  • WpView
    Reads 80,188
  • WpVote
    Votes 3,537
  • WpPart
    Parts 47
Ito ay nobela tungkol sa sinaunang paniniwala na patuloy na ginagawa sa isang liblib na barrio sa Norte. Misteryoso, marahas at hindi maka-Tao - Ito ang nagsasalarawan sa Tradisyong hindi kailanma'y tatalikuran ng mga tao sa Lunangayin. Marso. Malapit na matapos ang anihan, at malapit na rin ang muling pagsilip ng bilog na buwan, isasagawa na naman ang lumang Tradisyon sa Lunangayin. Sa mahabang panahon, hindi kinuwestiyon ni Luna ang nakakabahalang ritwal na taun-taon niyang nasasaksihan. Ngunit nang isama niya ang apat na kaibigan sa kanilang barrio para sa isang maikling bakasyon, nagbago ang lahat. Doon nagsimula ang pagbaliktad ng kaniyang mundo.
Mga Sagradong Nilalang | Elemento Club Book 2 | Raw/Unedited by GilLandicho
GilLandicho
  • WpView
    Reads 695
  • WpVote
    Votes 34
  • WpPart
    Parts 32
May kakaibang club sa Owkward Academy. Masyadong piling-pili at exclusive ang mga members nito. The club is only for the elite! And kahina-hinala ang club activities dahil walang nakakaalam, sobrang top secret! Weird pa ang club name... ELEMENTO CLUB What in a world is this club?! Here's the Book 2 !
Ang Mundo ng El Hardina | ELEMENTO Book 3 | Raw/Unedited by GilLandicho
GilLandicho
  • WpView
    Reads 696
  • WpVote
    Votes 66
  • WpPart
    Parts 32
Isang malawakang pag-aaklas ang malapit nang maganap sa buong El Kantadia! Pamumunuan ito ng mga Dalaketnong nais pantayan ang kapangyarihan ng mga dyos at dyosa. Sino ang makakapigil nito? Join Gino, Jun-Jun and Clarissa as they go into the vast mountains, valleys and plains of this spiritual realm, the so called home of the engkantos and diwatas. At makaligtas kaya sila sa naghihintay na panganib patungo sa tahanan ng mga dyos at dyosa, ang Puso ng Kalikasan? May sariling adventure din si Abby bilang Hinirang ng Dyosa! Find out why she felt the presence of darkness just lurking behind her! Finally, ipapakilala na ni Hero si Regina sa buong dalaketnong yelo, matanggap kaya nila ito? Katherine also found a forgotten memory, kanino ito? At makakahabol kaya si Ren? Can he resist temptation? Paano na si Clarissa! And of course, know the love story of Sibol and Gunaw! Basahin at Alamin!