Fiction
3 historias
Who's Who?  por PlethoraHope
Who's Who?
PlethoraHope
  • LECTURAS 11
  • Votos 1
  • Partes 1
Masaya at kontento akong namumuhay sa mundo kahit nagkandakuba na para mabuhay. Pero siyempre hindi pa rin nabawasan ang ganda at kaseksihan. Huwag ng kumontra o mangbash sa akin or else hindi ko na itutuloy ang pagkwekwento. Haha! Di joke lang. Ayun na nga, subalit biglang dumating ang isang lalaki sa buhay ko! Ang masaklap pa, tinawag at pinagkamalan ako na ibang babae na maski ako hindi ko alam kung sino ang lalaking ito at sino ang babaeng inakala niya sa sarili ko. Magulo ba? Haayys, pareho tayo. Naguguluhan rin ako at hindi ko naintindihan. Siguro masyado tayong maganda para umintindi sa problema nila! Tsk. Hindi ko man inaasahan na dumating siya sa buhay ko, ganoon rin nang biglang nagbago rin ang buhay ko dahil sa kanya! *** Date Started: February 12, 2021 Date Finished: --- Genre: Teen Fiction Language: Filipino ©All Rights Reserved 2021
Yonder You (COMPLETED) por PlethoraHope
Yonder You (COMPLETED)
PlethoraHope
  • LECTURAS 100
  • Votos 11
  • Partes 11
"Ang totoo, wala akong paborito na kwento sa mga librong nabasa ko dahil ang bukod-tanging paborito ko ay kwento nating dalawa." *** Si Shaida Kandaya ay anak ng datu sa Tribo Kandaya at nakatakdang ikasal kay Recku, ang kababata at kaibigan niya. Sa kanilang tribo ay may tradisyon sila na sa pagsilang pa lang ng sanggol ay may nakatakda na itong mapapangasawa. Ang mapapangasawa ng sanggol ay kailangang anak rin ng kasapi ng kanilang tribo. At kapag nasa tamang edad na ang dalawa ay saka gaganapin ang seremonyas ng kanilang pag-iisang dibdib. Bago siya ikasal ay pinahintulutan siya ng kanyang ama na tapusin ang kanyang pag-aaral sa isang syudad. Sa hindi inaasahan ay nakatagpo niya si Reo de Lanxi, ang gwapong binata na walang ginawa kundi pakuluin ang kanyang dugo at sirain ang buong araw niya. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sa pagdaan ng panahon ay unti-unting sumibol ang kanilang pag-iibigan! Handa nga ba niyang ipaglaban ang pag-ibig niya kay Reo? O puputulin na lang ang kanyang naramdaman dahil nakatakda na siyang ikasal sa kanilang tribo? Ang kwento kung saan sumibol ang matamis na pag-iibigan sa gitna ng maraming balakid na nakapaligid nito. Handa nga ba nilang paninindigan ang kanilang pag-iibigan o ibaon na lang sa limot ang lahat upang maiwasan ang hirap, pighati, at sakit na mararanasan nila? *** Language: Filipino Genre: Novella | Romance | Drama Status: Completed *** Date Started: December 26, 2020 Date Finished: January 19, 2021 Published on Wattpad: November 26, 2021
Unleash (COMPLETED) por PlethoraHope
Unleash (COMPLETED)
PlethoraHope
  • LECTURAS 463
  • Votos 88
  • Partes 65
"Tuwing umuulan, ikaw ang naalala ko. Animo'y kasama na kita tuwing umuulan." *** Si Scarlet Blythe Serrano ay isang dakilang NBSB (No Boyfriend Since Birth) pa rin kahit beinte y sais na ang kanyang edad. Nang dahil sa kanyang status ay sentro siya ng panlalait at panghuhusga ng mga taong nasa paligid niya. Sa gitna ng magulong mundo na kinagagalawan niya ay pumasok sa kanyang isipan na magsulat ng isang nobela na naaayon sa status ng kanyang buhay. Nais niyang magsulat dahil sa tatlong rason: maipahiwatig ang kanyang lungkot at hapdi na naramdaman, maisalaysay ang kanyang masalimuot na karanasan, at maranasan ang pag-ibig na pinapangarap niya kahit sa kathang-isip man lang. Subalit paano kung sa isang umaga ay biglang lumabas galing sa netbook si Matthew, ang main male character na isinulat ni Blythe sa kanyang nobela na nilikha? At habang lumipas ang panahon sa kanilang pagsasama ay biglang umusbong ang pag-iibigan nilang dalawa! Kaso hindi pa rin mababago ang katotohanan na nagmula si Matthew sa kathang-isip o imahinasyon na binuo lamang ni Blythe. Posible kayang magiging totoo sa realidad ang kanilang pag-iibigan at makamit ang inaasam na happy ending? O hanggang sa kathang-isip lang talaga ang kwento nilang dalawa? Ang kwento na umiikot tungkol sa isang aspiring writer at fictional character na parehong nahulog sa bangin ng pag-ibig. *** Genre: New Adult, Fantasy Language: Filipino Status: COMPLETED *** Date Started: May 28, 2020 Date Finished: July 16, 2022 © All Rights Reserved 2022