NobelaNiPula
- Reads 289,263
- Votes 5,950
- Parts 31
Warning: R18+
Brothers Code Series 1
Galit at poot ang nararamdaman ni Phoenix para kay Hailey. Kung hindi lang dahil sa pera, hinding-hindi niya ito papakasalan. Kaya naman pagkatapos ng kasal, sumumpa siya sa sarili: gagawin niya ang lahat ng kalupitan para si Hailey mismo ang sumuko at kumawala sa kanilang pagsasama.
Sisiguraduhin niyang mawawala ito sa buhay niya, habang nakukuha pa rin niya ang lahat ng kanyang kayamanan.
Ngunit pinaglaruan siya ng tadhana. Sa isang iglap, biglang bumaliktad ang sitwasyon-ang lahat ng inakala niyang totoo ay isa palang malaking kasinungalingan.
Ano ang lihim na matutuklasan ni Phoenix? Ang katotohanan ba ang magiging mitsa ng kanilang tuluyang paghihiwalay, o ito ang magiging susi para matutunan niyang mahalin ang babaeng pinangako niyang wawasakin?