Maricar Dizon
49 stories
THE LATE BLOOMER (book version now available in bookstores) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 397,017
  • WpVote
    Votes 12,387
  • WpPart
    Parts 35
THIRTY FIVE years old na si Arci Marie Roque at matagal na niyang tanggap na hindi para sa kaniya ang pag-aasawa. Lahat ng pagmamahal at atensiyon niya ay ibinubuhos niya sa kanyang pamilya, sa bestfriend niyang si Jaime at sa kpop idols na pumupuno sa bawat pader ng kanyang kuwarto. Kaso worried ang pamilya niya. Kinumbinsi siya ng mga ito na magbakasyon para may makilala raw siyang lalaki. Tinawanan lang ni Arci ang mga ito pero during her birth month, nagpunta siya sa Taipei. At doon hindi inaasahang nagkita sila ni Gray Delan, ang masungit at snob niyang boss. For eight years, parehong hindi maganda ang impresyon nila sa isa't isa. But she had the surprise of her life when she ended up liking Gray during the time they were in Taipei. Lalong nabulabog ang puso at isip ni Arci nang pag-uwi niya sa Pilipinas, bigla naman nag propose sa kaniya ang bestfriend na si Jaime, na sa totoo lang ay ideal man niya at love ng buong pamilya niya. Na-confuse si Arci. Pipiliin ba niya ang lalaking nagparamdam sa kaniya ng kilig at saya for the first time in her life? O tatanggapin ang proposal ng lalaking deep inside ay matagal na niyang hinihintay?
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: RIKI AND THE BODYGUARD by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,029,755
  • WpVote
    Votes 27,966
  • WpPart
    Parts 38
Dahil sa isang hindi magandang unang pagkikita ay na-involve ng husto si Ailyn sa magulong mundo ni Riki Montemayor, ang basagulerong prinsipe daw ng Sport's world. Labag man sa loob niya ay natagpuan niya ang sariling bodyguard nito. Doon nagsimula ang pasakit niya dahil walang araw na hindi sila aso't pusa kung mag-away. Hanggang sa kausapin siya ng masinsinan ng ama nito. "I want you to not only protect him but to tame him." Paano niya iyon gagawin kung siya mismo ay naniniwalang wala na itong pag-asang magbago? But everything seems to change when her hate for him became attraction. Bigla ay apektadong apektado na siya sa mga taong nagtatangkang saktan ito. At nang biglang sumulpot ang ex nito at nais makipagbalikan dito ay labis siyang nabahala. Sinabi na ni Riki sa simula pa lang na hindi ito magkakainteres sa kaniya. So what would she do now that she realized she was already in love with him?
A WISH FROM CHRISTMAS PAST (a holiday story) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 128,189
  • WpVote
    Votes 3,579
  • WpPart
    Parts 33
Magkaibang magkaiba sina Reira at Simon Ker. Si Reira ay positibo, lumaki sa isang masaya at mapagmahal na pamilya at pasko ang paboritong holiday. Habang si Simon Ker naman ay ubod ng sungit, may hindi magandang alaala ng kanyang kabataan at ayaw sa pasko. Sa unang tingin ay isang bagay lang ang tila ugnayan ng dalawa - iyon ay ang pagiging regular customer ng binata sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Reira. Hanggang makilala ni Reira ang lolo ni Simon Ker at marinig ang kwento ng pag-ibig ng matanda. Sa tulong ng love letters at journal nito na pinakupas na ng panahon, desidido si Reira na hanapin ang first love ni lolo Flor bilang regalo rito sa pasko. E ano kung hindi sangayon ang binata? Hindi rin naman nito natiis na hindi sila tulungan sa paghahanap. Along the way ay hindi na lamang ang love story ni lolo Flor ang naging laman ng isip ni Reira. Lalo at unti-unti niyang nadidiskubre ang dahilan ng komplikadong personalidad ni Simon Ker. At na hindi lang naman pala puro sungit lang ang mayroon ito. That he can also be caring and... lovable. Bigla ay hindi na lamang ang lolo nito ang gusto ni Reira na bigyan ng masayang pasko. Mas higit niyang nais pasayahin ang binata. Gusto niyang... mahalin siya nito. Pero dahil sa isang pangyayari ay sinabi ni Simon Ker na nagsisisi itong nakilala siya nito. Hindi na nga siya minahal, nagalit pa sa kaniya. Mukhang si Reira tuloy ngayon ang makakaranas ng malungkot na pasko.
Back In Time by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 87,891
  • WpVote
    Votes 2,508
  • WpPart
    Parts 15
"Hindi ka marunong magmahal!" Iyon ang sumbat ng isang katrabaho ni Ella sa kaniya. Hindi iyon totoo. She was in love with someone before. She loved him so much that she could die for him. Subalit isa na lamang iyong bahagi ng nakaraang ayaw nang balikan ni Ella. Isang nakaraan na matagal na niyang ibinaon sa limot. Ngunit iba ang plano ng tadhana. Isang araw, natagpuan na lamang niya ang sariling nakabalik sa nakaraan, sa kanyang katawan noong siya ay teenager pa lamang. And in front of her was Ken --the person she used to love and the same person that was destined to make her cry. [Please do buy the book. Available at all Precious Pages Book Store and other bookstores]
BACHELOR'S PAD series book PREVIEWS by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 84,230
  • WpVote
    Votes 990
  • WpPart
    Parts 14
Patikim sa mga kuwento ng Bachelor's Pad series. Preview lang po ang mga nakalagay dito, hanggang chapter 3 ng bawat story sa series. Out po sa lahat ng bookstores ang book version ng series na ito kung gusto niyo pong mabasa ang buong kuwento. ^__^
KISSING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 169,098
  • WpVote
    Votes 4,380
  • WpPart
    Parts 10
"Ang gusto ko lang, instead na maghanap ka nang maghanap kung saan-saan, try to look at me." Sa isang hindi inaasahang pagkakataon kinailangang manatili ni Jena sa loob ng isang hotel room buong gabi kasama ang isang estrangherong nakilala lamang niya sa pangalang Woody. Kinabukasan aalis na lang sana siya at gigisingin ito nang bigla siya nitong halikan. Sa gulat niya umalis siya na hindi nagpapaalam dito. Akala niya hindi na niya ito makikita pa. Pero laking gulat niya nang makita ito sa kumpanyang pinapasukan niya. Ito pala ang bagong head ng Designs Department nila. Balak niya itong iwasan pero nakita agad nito ang plano niya. Parang nang-iinis na kinuha pa siya nito bilang temporary secretary at walang araw na hindi siya binubully kaya pikon na pikon siya rito. Pero kahit ganoon, hindi niya napigilan ma-inlove kay Woody. Tingin din naman niya nafo-fall na rin ito sa kaniya. Kaso maraming problema. Kabaligtaran ito ng lahat ng gusto niya sa lalaki. Mas bata rin ito kaysa sa kaniya. Madalas din sila hindi nagkakasundo kasi magkaiba ang mga ugali nila. In short, hindi sila compatible. May silbi pa bang sumuong sa isang relasyong alam niyang hindi maganda ang kahahantungan? PS: Thanks to Abby (@OhCheeseball) for this new and prettier version of the cover. love you. :)
LOVE OVERDUE by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 249,639
  • WpVote
    Votes 6,761
  • WpPart
    Parts 28
This is for those who still remember their first love. And most of all, to those who still clings to that love this story was first published in 2010 under Precious Hearts Romances. This wattpad version is a revised edition with extended scenes. :)
MY DREAM STAR by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 364,127
  • WpVote
    Votes 11,062
  • WpPart
    Parts 21
TIMELESS MODELING AGENCY, one of the best talent agencies in the country houses the top stars of the modeling world. This is their story.
The Prince's Scandal Trilogy: CHOI AND THE BABYSITTER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,427,475
  • WpVote
    Votes 38,257
  • WpPart
    Parts 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito. Laking gulat niya na ang anak pala nito na magiging amo niya ay walang iba kung hindi si Choi Montemayor, kilalang prinsipe ng high society na sa TV lang niya nakikita. Lalo pang naging complicated ang sitwasyon nang biglang sumulpot ang isang batang babae sa bahay ni Choi. Anak pala nito sa dating karelasyon. Nasaksihan ni Lorie na nagulo ang mundo nito. Ang masama dinamay pa siya ng binata sa gulo ng buhay nito. Ginawa kasi siyang babysitter. Hindi nga lang niya ineexpect na mapapamahal siya sa bata. At kahit ayaw niyang tanggapin ay napamahal din siya kay Choi Pero alam niyang walang kahahantungan ang nararamdaman niya para sa binata. Hindi siya naniniwala sa fairy tale at sa fairy tale lang nangyayaring nagkakagusto sa isang tulad niya ang isang prinsipeng gaya ni Choi Montemayor.
MY LONELY STAR by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 390,375
  • WpVote
    Votes 11,627
  • WpPart
    Parts 24
Tiffany del Valle seemed to have all the things any woman would wish for: beauty, fame, and wealth. Ngunit sa kabila niyon ay hindi siya masaya. She wanted something that she had never experienced since she was a child: love. Hindi niya naranasang mahalin dahil palaging nag-aaway ang kanyang mga magulang. Dahil doon ay tila naging bato rin ang kanyang damdamin. Kaya naman binansagan siyang "ice queen" ng modeling world. Ngunit tila nalusaw ang yelong nakabalot sa puso niya nang makilala niya si Andrew Alvarez. Her heart couldn't seem to stop beating rapidly whenever this gorgeous man was near her. She realized she could be happy at last. At kay Andrew lang niya mararanasan iyon. Ito ang gusto niyang makasama habang-buhay-ang lalaking iibigin niya at iibig din sa kanya. Kung sana lang ay hindi ito galit sa kanya at hindi niya nalamang may nobya na pala ito...